333 total views
Hiniling ng Archdiocese ng Cebu sa mananampalataya na ipanalangin ang tagumpay ng proseso sa pagiging santo ni Servant of God, Archbishop Teofilo Camomot.
Sa anunsyo ng arkidiyosesis magkakaroon ng Meeting of Theologians sa Roma sa November 9 upang talakayin ang ‘Positio’ ni Archbishop Camomot.
“Our dear Cebu Archbishop Jose S. Palma is requesting all priests, religious and lay faithful to include this particular intention and pray for a positive response to this concern,” bahagi ng pahayag.
Mahalaga ang pagpupulong ng theologians sa pag-usad ng canonization process ng arsobispo.
Ibinahagi noon ni Fr. Mhar Balili ang vice postulator para sa canonization ng arsobispo sa panayam ng Radio Veritas na June 17, 2020 nang aprubahan ng Congregation of the Causes of Saints ang ‘positio’ kung saan nakasulat ang buhay, mga gawa at mabuting halimbawa ng namayapang arsobispo noong namumuhay pa ito sa arkidiyosesis.
Inaasahang sa pagpupulong ng mga theologians ay irirekomenda ng College of Cardinals kay Pope Francis upang maitalagang ‘Venerable’ si Archbishop Camomot.
Kung maitalagang ‘Venerable’ si Archbishop Camomot, kinakailangan ng isang himala na may kaugnayan sa namayapang arsobispo upang makapagsimula naman sa ‘beatification process’.
Paalala naman ni Archbishop Palma sa mananampalataya na ipanalangin ang pagpapatuloy na proseso sa pagiging santo bago hingin ang tulong panalangin.
“Archbishop Palma reminds everyone, especially the lay faithful, NOT TO INVOKE YET the intentions of Archbishop Teofilo Camomot, like: “Archbishop Teofilo Camomot, pray for us,” as if he is already canonized as a saint,” ayon pa sa arkidiyosesis.