390 total views
Misyon ng bagong arsobispo ng Maynila ang pagpapaunlad ng kasanayan at kaalaman ng mga pari sa Archdiocese of Manila.
Sa ikalawang pagkakataon bilang panauhin ng Barangay Simbayanan Pastoral visit on-the air sa Radyo Veritas ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, sinabi nitong ang mga pari ay hindi lamang kailangan sa mga parokya at mission stations kundi maging bahagi sa mga natatanging misyon ng simbahan.
“Hindi lamang itong mga kaparian sa ating mga parokya because we also have to prepare our priests para mag specialize on some areas so they will also send to further studies para sa ating mga seminary, schools,” ayon kay Cardial Advincula.
Tinukoy ni Cardinal Advincula ang pagbibigay ng tuon ng simbahan sa kasalukuyang pandemya kung saan kinakailangang tumugon sa pagbibigay ng gabay at pag-asa sa bawat mananampalataya lalu na sa ‘mental health’.
Ayon kay Cardinal Avincula, kailangan din ang mga pari na ilalaan ang sarili sa iba’t-ibang larangan.
“Kailangan natin ng mga pari na will dedicate themselves sa mga areas like Psychology, Counseling, interventions. Lalu ngayong pandemic, nakita natin na kailangan talaga na may mga pari rin tayo sa mga different areas of specialiazation.”paglilinaw ng Kardinal
Naniniwala ang simbahan na bukod sa pangangailangan sa pagkain at kabuhayan ay mahalagang bigyang tuon sa kasalukuyang pandemya ang spiritual at mental health ng publiko lalu na sa mga umiiral na community quarantines.
Sa kasalukuyan ay nanatili ang buong Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine o ang pinakamahigpit na panuntunan dulot na rin ng mataas na bilang ng mga nahahawaan ng novel coronavirus.
Nagpapasalamat din si Cardinal Advincula sa tulong ng mga pari mula sa iba’t-ibang kongregasyon na naglalaan ng kanilang panahon at kakayahan para tumulong sa simbahan kasama ang mga diyosesanong pari ng Maynila.
Ang arkidiyosesis ng Maynila ay binubuo ng may 700 mga pari kasama na ang 400 pari mula iba’t ibang kongregasyon para pangasiwaan ang 90 mga parokya na may kabuuang tatlong milyong populasyon ng mga katoliko.
Unang sinabi ni Cardinal Advincula ang pagtatayo ng mga mission stations na pangangasiwaan ng mga mas batang pari dahil sa laki ng populasyon na saklaw ng isang parokya.
Ayon sa Kardinal, may maliit na parokya ang arkidiyosesis na nakakasakop sa 80 libong bilang mananampalataya