252 total views
Tiniyak ng Archdiocese of San Fernando, Pampanga ang pakikibahagi ng arkidiyosesis sa pagsasagawa ng simultaneous Holy Hour of Great Mercy and Ringing of the Parish Church bells bilang paggunita ng Divine Mercy Sunday sa ika-19 ng Abril.
Sa Circular Letter No. 33 na nilagdaan ni San Fernando Archbishop Florentino Lavarias, inatasan ng Arsobispo ang lahat ng mga Pari, Religious Men and Women at mga layko sa arkidiyosesis na makibahagi sa gawain sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Holy Hour of Great Mercy at pagpapatunog ng kampana sa lahat ng mga parokya, mission stations at religious houses sa ganap na alas-tres ng hapon.
Bahagi rin ng tagubilin ng Arsobispo ang pagbabahagi ng gagawing Holy Hour ng bawat parokya sa pamamagitan ng live streaming sa iba’t ibang social media accounts.
Ipinaliwanag ni Archbishop Lavarias ang nakatakdang gawain ay bahagi ng pastoral collaboration ng arkidiyosesis sa mga local ordinaries mula sa Ilocos Region – Region 1, Cagayan and Cordillera Region – Region 2 at Central Luzon Region – Region 3.
Patuloy namang hinihikayat ni Archbishop Lavarias ang pananalangin ng Oratio Imperata upang mawakasan na ang pagkalat at makahanap na ng lunas sa pandemic na Coronavirus Disease 2019.
“In pastoral collaboration with the Local Ordinaries of the Ilocos Region (Region 1), Cagayan and Cordillera Region (Region 2) and the Central Luzon Region (Region 3), we have approved and endorsed the simultaneous Holy Hour of Great Mercy and ringing of the parish church bells on 19 April 2020 (Second Sunday of Easter: Divine Mercy Sunday) at 3:00PM.
I enjoin all the Reverend Parish Priest to please hold this simultaneous holy hour in our respective parish churches and have it live-streamed through your parish social media accounts,” nasasaad sa Circular Letter No. 33 ni Archbishop Lavarias.
Batay sa tala may mahigit sa 2.3-milyon ang bilang ng mga Katoliko sa Archdiocese of San Fernando, Pampanga kung saan mayroong 94 na mga parokya na pinangangasiwaan ng may 165 Pari at mahigit sa 150 mga religious men and women.