425 total views
Umaasa si Nueva Segovia Archbishop Marlo Peralta na pagsumikapan ni President Ferdinand Marcos Jr. na itaguyod ang kabutihan ng bawat Pilipino.
Ito ang mensahe ng Arsobispo sa pormal na pag-upo ng ika – 17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Sinabi ni Archishop Peralta na nawa’y sa tulong ng Panginoon ay magampanan ng administrasyon ni Marcos Jr. ang tungkuling isulong ang kabutihan ng nakararami.
“May you always seek God’s guidance as you work for the common good of the Filipino prople especially those who are struggling every day to meet the needs of their families,” pahayag ni Archbishop Peralta sa panayam ng Radio Veritas.
Alas dose ng tanghali ng June 30 nang manumpa si President Marcos Jr. alinsunod sa nasasaad sa 1987 Constitution Article Seven, Section Four.
Tiniyak ni Archbishop Peralta ang suporta at panalangin sa bagong administrasyon at hiniling kay President Marcos Jr. na huwag biguin ang mayorya ng mga Pilipinong bumoto at naniniwala sa kanyang kakayahan.
“With sincerity and good will, I pray that you’ll succeed in your presidency. I pray that you’re always aware that majority of the Filipino people are poor and they look up you to uplift their lives. Please, Mr. President, do not fail them,” ani Archbishop Peralta.
Matatandaang nakakuha ng 31-milyong boto si Pangulong Marcos Jr. sa nakalipas na 2022 national ang local elections noong Mayo kung saan maituturing na highest votes sa post – EDSA era.
Sa hiwalay na panayam ng himpilan kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ibinahagi nito ang kahandaan ng bagong pangulo sa pakikipagtulungang pagtibayin ang relasyon ng simbahan at pamahalaan.
Read: https://www.veritasph.net/bbm-nakahandang-makipagtulungan-sa-simbahan/
Nagpaabot din ng pagbati si Pope Francis kay President Marcos Jr. kasabay ang pananalangin para sa matagumpay na pamumuno sa mahigit 100-milyong Pilipino.
Read: https://www.veritasph.net/pope-francis-nagpaabot-ng-pagbati-kay-pbbm/