177 total views
Umaasa ang isang Opbispo mula sa Mindanao na ang panukalang Bangsamoro Organic Law (BOL) ang magiging tugon para makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao Region.
Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, nawa ay maipatupad ng panukalang ito ang hangarin hindi lamang sa pangkapapayapaan kundi para sa kaunlaran ng Mindanao.
“So we pray that this will really be, The Mission really be materialized and then we hope that we will have good leaders in order that the vision will really be implemented,” ayon kay Archbishop Jumoad.
Naniniwala rin ang Arsobispo na ang susi ng tagumpay sa hangarin ng kapayapaan ay ang pagkakaroon ng mabuti at mapagkakatiwalaang pinuno para sa Rehiyon.
Iginiit ni Archbishop Jumoad sa panayam ng Programang Veritas Pilipinas na mababalewala ang hangarin at layunin ng bagong batas kung mga tiwaling Opisyal ang mamamahala.
“Ang importante talaga ay yung Good leader, its leadership. Pag ang leader ay hindi talaga honest, transparent and dedicated wala talaga mauubos yung pera,” ayon sa Arsobispo.
Kaya’t panalangin ni Archbishop Jumoad na biyayaan ng Panginoon ng mabuting pinuno ang Mindanao para matapos na ang karahasan at kaguluhan para maisulong ang kaunlaran ng Komunidad.
“God our Father we ask you to bless Mindanao, we ask you to Bless our Leaders. Give us good leaders; give us leaders who have the heart to feel the pains, the sorrows, and the sufferings of our people. Give us leaders who are really committed to give what is due to the people. Lord we ask you to guide our Leaders so that they will really work hard for peace, development and also for Harmony in Mindanao,” ang panalangin ni Archbishop Jumoad.
Sinabi ng Pangulong Rogrido Duterte sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ang paglagda sa panukala na siyang ipapalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).