184 total views
Panalangin para sa mga nagdadalamhating kamag-anak ng mga nasawi at maging sa may kagagawan ng pagpapasabog sa Jolo Cathedral.
Ito ang mensahe ni Cotabato Archbishop-elect Angelito Lampon kaugnay sa naganap na magkasunod na pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral na kumitil sa buhay ng mahigit sa 20 katao at pagkakasugat ng higit sa 100.
“So we offer all of these, painful as it may be this tragic happening in Jolo. We pray for the repose of the soul of those who died and the consolation of those from their grieving families. We offer their death as the blood for seed of peace,” ayon kay Arcbishop-elect Lampon.
Si Arbishop-elect Lampon ang dating Obispo ng Apostolic Vicariate of Jolo Sulu at nagsilbi sa loob ng 21 taon at nakatalagang iluklok bilang arsobispo ng Cotabato sa ika-31 ng Enero.
Tiniyak din ng arsobispo ang panalangin para sa mga may kagagawan ng insidente para sa kanilang pagbabalik loob at matanto na ang buhay ay biyaya ng Panginoon.
“We also pray for the perpetrators so that they will be enlightened that human life is a gift. And that we pray for them also. Thus they too are feature of God and therefore we pray for peace, reconciliation. We extend our hand of friendships despite of what happened,” bahagi ng panalangin ni Archbishop-elect Lampon.
Naunang kinondena ng CBCP ang sinasabing “inhuman” na pagbobomba sa Jolo cathedral.
Read: CBCP, umaapela ng panalangin sa mga biktima ng pambobomba sa Jolo cathedral
Nanawagan din ng panalangin si Father Jefferson Nadua, parish priest ng Our Lady of Mt. Carmel Cathedral para sa mga nasawi sa pagbobomba.
Read: Parish Priest ng pinasabog na Jolo Cathedral, umaapela ng panalangin
Ayon pa sa Arsobispo, hindi ito ang unang pagkakataon na pinasabog ang Cathedral ng Jolo.
Sa ulat, simula 2006 ay ikapitong beses nang nagkaroon ng insidente ng pagpapasabog sa loob at labas ng Jolo Cathedral.
Kinondena rin ng Kaniyang Kabanalan Francisco ang pinakabagong insidente ng terrorismo sa Pilipinas.
Ang mensahe ng Santo Papa Francisco sa ginanap na Angelus sa Panama kung saan isinasagawa ang huling araw ng World Youth Day.
Hangad din ng Santo Papa ang kalakasan para sa mga kaanak ng mga nasawing biktima.