199 total views
Nagagalak si Ozamis Archbishop Martin Jumoad sa ‘turn out’ ng mga botante sa kanilang lungsod.
Ayon kay Archbishop Jumoad, ito rin ang kanilang panawagan sa lahat ng mga botante na makilahok sa halalang pangbarangay para pumili ng mahusay at maasahang punong barangay.
Paliwanag ng arsobispo tulad ng ibang halalan, napakahalaga ang pagpili sa mga opisyal ng barangay lalut sila ang mga nangangalaga sa mamamayan sa ating lipunan.
Giit ng Arsobispo, malaki ang bahagi ng mga opisyal ng barangay sa pagkakaroon ng ng matatag na lipunan.
“When we have a strong Barangay leaders, then we will have a beautiful society and our country will become beautiful because of our good leaders in Barangay. Then surely we will have a good society in the city, in the province also in our nation.” ayon sa Arsobispo.
Tulad din ng kaniyang panawagan sa mga mananampalataya bumoto rin si Archbishop Jumoad sa kaniyang presinto sa Barangay Catadman, Manabay Ozamis City.
Nagpapasalamat din ang arsobispo sa ginawang paghahanda ng pulisya na linisin at makumpiska ang mga unlicenced fire arms.
Ayon sa Obispo, kung walang mga baril ay makakatiyak din na walang karahasan hindi lamang tuwing eleksyon kundi maging sa karaniwang araw.
Ang Ozamis City ay binubuo ng 51 barangay na bahagi rin ng rehiyon ng Mindanao kung saan umiiral ang ‘Martial Law’.