244 total views
Humiling ng panalangin si Cebu Archbishop Jose Palma sa mga mananampalataya para sa mga pari at consecrated persons upang manatiling tapat bilang mga alagad ng Diyos at lingkod ng simbahan.
Ang panawagan ng arsobispo kaugnay na rin sa pagdiriwang ng ‘Year of the Clergy and Consecrated Persons’ ngayong taon.
“As clergy and religious, magkaroon po kami ng heart-like that of the Good Shepherd like Jesus. He came to serve not to be served. Ito po ang pinakadalangin namin na maging good servant leaders as the one we want to focus. Kaya nga po with your prayers, sana po ito ang mangyari sa aming lahat,” ayon sa mensahe ng arsobispo.
Inihayag ni Archbishop Palma na mahalagang maipaalala sa bawat isa ayon kay Archbishop Palma ang tungkulin ng bawat isa para sa pagbuo ng isang lipunan na puno ng pag-ibig at buhay.
“Ask we thank the Lord, we ask all of you to help us to recommit ourselves to the Lord. Sana nga po we should always remember that we are consecrated to God. We belong to the Lord, because we are the Lords priests. We are meant for human priest people. Kami po ay nagpapasalamat as we continue to prepare for 2021 and this year for clergy and religious. May we priest and religious be truly faithful for the calling and as you pray for us. And together, we hope to build a community of life and love,” ayon kay Archbishop Palma.
Sa isang mensahe ng Santo Papa Francisco sa ginanap Vatican hinggil sa conference on priestly formation, hinikayat nito ang mga pari na maging bukas para mahubog ng Panginoon, sa pamamagitan ng Diyos at hindi sa kanilang sarili.
Paliwanag pa ng Santo Papa, ito ay nangangailangan nang pagiging bukas sa pagbabago sa puso at sa pamumuhay upang maglingkod ng may sigasig para sa ebanghelyo, para sa Diyos at para sa kapwa.