294 total views
‘Maruming pamumulitika.’ Ganito isinalarawan ni Catholic Bishops Conference of the Philippines – Permanent Committee on Public Affairs Chairman at Lipa Archbishop Ramon Arguelles ang inilabas na comic book ng mga taga – suporta ni dating Interior secretary na ngayon ay Presidential Candidate na si Mar Roxas.
Ikinadismaya ni Archbishop Arguelles ang ganitong pamamaraan ng isang pulitiko na ibinibida ang kanyang sarili bilang bayani ngunit wala namang nagawa kundi nagpa photo ops lang.
“I think that is very critical at dirty politics na ginagamit dito, wala naman silang ginawa. Sapagkat noong pumunta nga doon, ayon kay Fr. Ramil, ay nagpa–photo op in the midst of misery when people are hungry katulad nitong comic nitong politician na kunwaring nagmamando pero walang ginawa,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Arguelles sa Radyo Veritas.
Ipinaalala rin ng arsobispo na ang pagkakawang – gawa ay hindi dapat pakitang tao kundi ito ay isang misyon na pagtugon sa mga nangangailangan.
“Kapag tumutulong ka gumagawa ka ng mabuti, kapatid mo ang tinutulungan mo kahit hindi mo kilala yan. Sapagkat meron tayong Diyos na common father natin. Hindi na natin antayin na mangyari yan, kaya kapag nangyari sa iba responsibilidad natin yan hindi sapagkat gusto nating maboto, hindi dahil gusto nating mapuri. We are not after recognition; we are just doing our duty as a fellow laborer in this world,” giit pa ni Archbishop Arguelles sa Veritas Patrol.
Nauna na ring sinabi ng Arsobispo na isa sila sa mga nangunang rumispondi sa tulong sa mga biktima ng Yolanda sa pangunguna ng Lipa Justice Mercy Legion na sa ngayon ay nakapagpatayo ng mahigit 200 kabahayan sa Barauen, Leyte.
Higit aniya sa naitulong nilang pabahay ay nagpapatuloy rin ang pagbibigay nila ng pangkabuhayan upang tuluyang makabangon ang mga Leytenos sa naturang kalamidad.