246 total views
Tutulong ang sampung bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nation o ASEAN sa Pilipinas kaugnay ng pananalasa ng Bagyong Lawin.
Ayon kay Romina Marasigan, spokesperson ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), bago pa man manalasa ang bagyo, nag-commit na ang ASEAN na tutulong sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, ayon sa NDRRMC, patuloy ang kanilang monitoring sa mga danyos at casualties na iniwan ng bagyo sa Northern Luzon.
“Initial reports from local and regional sa Isabela at Cagayan may mga damages po talaga sa imprastraktura dahil talagang malakas ang ang hangin na dala ng bagyong Lawin, naitala mga nilipad na bubungan, nabagsag na amg salamin, natumbang mga puno at mga posteng kuryente kaya mayroon ding power interruption at problema sa signal ng komunikasyon. Sa Initial report from Cordillera eh region-wide po may problema sa supply ng kuryente dahil napakaraming punong kahoy na nabuwal at poste ng kuryente, sa ngayon, patuloy ang malakas na pag-ulan at pagbugso ng hangin kaya tayo nakaantabay lamang tayo na pag bumuti na ang panahoon doon, makakuha pa tayo ng assessment,” pahayag ni Marasigan sa panayam ng Radyo Veritas.
Magugunintang sa pagtama ng Super Typhoon Yolanda sa bansa noong Nobyembre ng 2013, halos lahat ng mauunlad na bansa ay tumulong sa Pilipinas kung saan bilyong-bilyong pisong halaga ng cash at in-kind donations ang natanggap para sa relief at rehabilitasyon sa mga lugar na tinamaan nito sa Visayas.