278 total views
Pagsisi mula sa kasalanan at muling pagsisimula ang mahalagang mensahe ng Miyerkules Deceniza.
Ito ang paanyaya ni San Jose, Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari- Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) sa pagsisimula ng kuwaresma ngayong araw Ash Wednesday.
Paliwanag ng Obispo, ito rin ang pagsisimula ng pagtitika at pagpapaibayo ng buhay panalangin lalut abala ang lahat sa pagtatrabaho.
“Simbolo ng abo ‘yung talagang pagsisisi ng ating mga kasalanan, that we start anew ngayong nag-uumpisa tayo ng kwaresma. Kaya umpisahan natin ng pagtitika sa lahat ng mga kasalanan natin. We start redirecting our life. Kasi dahil sa trabaho, minsan di na tayo nagkakaroon ng panahon sa pagdarasal when in fact prayer should really be a part of our daily life,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Mallari.
Kaugnay na rin sa pagdiriwang ng Ash Wednesday, pangungunahan ni CBCP-Episcopal Commission on the Laity chairman Bishop Broderick Pabillo ang isang misa dito sa Radio Veritas alas-12 ng tanghali.
Kasabay din nito ang pagbisita ng piligrim relic ni St. Therese of the Child Jesus simula alas-9 ng umaga hanggang alas 2 ng hapon.