Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

At tuluyan na tayong naging bingi

SHARE THE TRUTH

 474 total views

Mga Kapanalig, sa kasagsagan ng pagpapatupad ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, bukambibig ng mga suportado ang naturang patakaran na kung wala ka namang ginagawang labag sa batas, katulad ng paggamit ng iligal na droga, wala kang dapat ikatakot. Hindi ka dapat mangamba kung wala ka namang ginagawang mali. Hindi ka dapat matakot sa mga pulis kung wala ka namang itinatago.  

Gamitin natin ang mga katagang ito ngayon sa mga ipinagtatanggol ang dating pangulo mula sa imbestigasyong nais gawin ng International Criminal Court (o ICC). Sa pagsisimula ng kasalukuyang taon, inanunsyo ng ICC na muli nitong bubuksan ang imbestigasyon nito para sa mga posibleng “crimes against humanity” sa ilalim ng madugong giyera kontra iligal na droga ng nakaraang administrasyon.1 Una na itong inanunsyo noong 2018 pero pansamantalang inihinto noong 2021 matapos tiyakin ng gobyernong iniimbestigahan nito ang pagkamatay ng libu-libo nating kababayan habang ipinatutupad ang war on drugs. Hindi na lingid sa ating kaalamang karamihan sa mga biktima ay mahihirap at sangkot, kung totoo man, sa small-time na pagtutulak ng iligal na droga. Mahigit anim na libo ang namatay sa mga operasyong ginawa ng kapulisan, habang hindi naman mabilang ang mga pinatay ng mga hindi natukoy na suspek. 

Sa isang editoryal, tinalakay natin kung gaano kabagal at kakaunti ang mga kasong nabibigyan ng kalutasan. Ang pinakahuli ay ang kaso ng dalawang binatilyong pinatay ng pulis. Nahatulan ang nasa likod ng pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz and Reynaldo “Kulot” De Guzman matapos ang limang taon.2 Ito ba ang patunay na gumagana ang sistemang pangkatarungan sa ating bansa? Hindi kumbinsido ang ICC. 

Sa pagtutol ng ICC na ihinto nito ang imbestigasyon sa malawakan at sistematikong pagpatay sa mga pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga noong administrasyong Duterte, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr noong nakaraang linggo na tinutuldukan na ng gobyerno ang pakikilahok nito sa ICC. Pinuputol na nito ang ugnayan ng pamahalaan sa ICC. Hindi raw ito makikipagtulungan sa ICC dahil mistula itong panghihimasok at pag-atake sa soberenya ng ating republika.

Kung wala naman tayong itinatago, kung wala naman tayong ginagawang masama, bakit hindi hayaan ng gobyerno ang imbestigasyon ng ICC? Hindi ba ito makatutulong sa layunin ng pamahalaang pairalin ang katarungan sa ating bansa? Sinabi noon ng dating Pangulong Duterte na kailanman ay hindi siya nag-utos na patayin ang mga sangkot sa iligal na droga; bakit hindi niya ito patunayan sa ICC? 

Mainam na paalala sa ating mga lider ang binibigyang-diin ng ating Santa Iglesia na ang gobyerno ay isang instrumento upang itaguyod ang dignidad ng tao, pangalagaan ang mga karapatang pantao, at itatag ang kabutihang panlahat o common good. Tinatalikuran ng gobyerno ang mga tungkuling ito kapag ang pinoprotektahan nito ay ang interes ng iilan o iisang tao. Kung tunay nitong pinahahalagahan ang katarungan, hindi nito mamasamain ang mga hakbang na layong mailabas ang katotohanan, mapanagot ang mga umabuso sa kanilang kapangyarihan, at magawaran ng katarungan ang mga pinakaitan ng pagkakataong ipagtanggol ang kanilang sarili sa tamang proseso ng batas.  

Mga Kapanalig, sa madugong giyera kontra droga, buhay ng libu-libo nating kababayan ang pinag-uusapan—mga buhay na maaari sanang mabago upang maging produktibong miyembro ng ating lipunan, mga buhay na maaari sanang naisalba upang walang pamilyang mauulila. Patuloy ang sigaw para sa katarungan ng mga kababayan nating nawalan ng mahal sa buhay, mga mahina at ulila na ayon nga sa Mga Awit 82:3 ay dapat bigyan ng katarungan. Nakalulungkot na noon pa man, marami sa ating pinipiling takpan ang ating mga tainga nang hindi marinig ang kanilang pagtangis. Sa pagtalikod ng pamahalaang Pilipinas sa ICC, tuluyan na tayong naging bingi sa kanila.  

Sumainyo ang katotohanan.  

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 29,030 total views

 29,030 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 43,686 total views

 43,686 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 53,801 total views

 53,801 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 63,378 total views

 63,378 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 83,367 total views

 83,367 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 29,031 total views

 29,031 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,898 total views

 2,898 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 43,687 total views

 43,687 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 53,802 total views

 53,802 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 63,379 total views

 63,379 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 83,368 total views

 83,368 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,529 total views

 48,529 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,554 total views

 43,554 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,123 total views

 47,123 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,578 total views

 59,578 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,645 total views

 70,645 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,964 total views

 76,964 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,575 total views

 81,575 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,135 total views

 83,135 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,696 total views

 48,696 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top