Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 3,568 total views

Homiliya para sa Ikalimang Linggo ng Kuwaresma, Ika-6 ng Abril 2025, Juan 8:1-11

Dalawang beses daw yumuko si Hesus. Una, nang iharap ang babae sa kanya at tanungin siya kung ano ba ang nararapat sa babaeng ito ayon sa Batas ni Moises. Pangalawa, matapos niyang sabihin, “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato.” Yumuko daw siya at nagsulat sa lupa.

Ako sa palagay ko, kunwari lang siyang nagsulat. May ibang dahilan kung bakit siya yumuko. Hindi ba ginagawa rin natin ito noong mga estudyante pa tayo? Kapag may mahirap na tanong si titser at tumitingin sa mga estudyante kung sino ba ang nakakaalam sa sagot, sigurado lang iyung iba yuyuko at magsusulat. Pero pag tiningnan mo ang notebook nila, wala namang isinusulat. Kunwari lang na nagsusulat. Para hindi obvious na ang dahilan ng pagyuko ay para makaiwas sa question ni Titser.

So, ano ang dahilan ng pagyuko ni Hesus? Tingnan muna natin ang sitwasyon. Kinaladkad daw ng isang grupo ng mga Eskriba at Pariseo ang isang babaeng diumano’y nahuling nakikiapid para iharap ito kay Hesus. Nasa gitna siya noon ng maraming taong nakikinig sa kanyang pagtuturo. Sabi sa ebanghelyo, ang tunay na pakay ng mga Eskriba at Pariseo ay para hulihin siya sa kanyang sasabihin tungkol sa kaso, para may maisakdal laban sa kanya. Sa madaling salita, hindi talaga ang babae kundi si Hesus ang kanilang pinupuntirya.

Alam naman nila na ayon sa batas ni Moises, hindi lang ang babae kundi pati ang lalaking nahuli sa pakikiapid ang mahahatulan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng pagbabato sa publiko.
Pwedeng kwestyunin ni Hesus kung bakit babae lang ang inaakusahan nila. Kung totoong nakiapid siya, nasaan ang kalaguyo? Di ba dapat pareho silang parusahan ng kamatayan ayon sa batas? Nasusulat iyon sa Leviticus 20 at Deuteronomy 22.

Pero kapag sumagot nang ganito si Hesus, ibig sabihin sumasang-ayon siya sa parusang kamatayan. Kung may isang bagay tungkol sa batas na mukhang hindi komportable si Hesus, isa na dito ang parusang kamatayan para sa mga tipo ng kasalanan na nakalista sa batas ni Moises. Kaya imbes na sumagot, yumuko lang muna siya. Hindi naman kasi lahat ng tanong ay dapat sagutin kaagad, lalo na ang mga tanong na ang datíng ay parang patibong. Kumbaga sa chess, inisip munang mabuti ni Hesus kung saan papunta ang galaw nila.

Isa pang dahilan ng kanyang pagyuko ay upang huwag tumingin sa babae. Ayaw ni Hesus na makisali sa maraming taong humahatol sa kanya. Para kay Hesus, ang pagparusa ay hindi lang sa pambabato nagsisimula. Sa pagtingin pa lang o pagtitig sa akusado parang nahuhubaran na ng dangal ang taong tinititigan. Kusang iniwasan ni Hesus ang tumingin dahil ayaw niyang makiisa sa pagyurak sa anumang natitirang dignidad ng babae. Kaya siya yumuko.

Palagay ko ito ang dahilan kung bakit sa mga tradisyunal nating mga kumpisalan sa simbahang Katoliko, may divider at may kurtina sa pagitan ng pari at ng nangungumpisal. Sa Ingles, ang tawag dito ay “saving face”. Hindi kailangang ipakita ng nagkasala ang mukha niya. Ang pagpapakumbaba niya sa pamamagitan ng pag-amin sa ginawang kasalanan, ang tinig ng pagsisisi at pagnanais na makipagkasundo ay sapat na. Kusang tinatakpan ng pari ng kurtina ang lugar ng nangungumpisal para hindi niya makita ang mukha, kahit kilala pa niya ang boses. Ito’y upang hindi “mawalan ng mukha” (“lose face,” sa Ingles) o mapahiya ang nangungumpisal, upang lumakas ang loob niya sa kagustuhan niyang mapanumbalik ng Diyos ang dangal ng kanyang pagkatao.
Sa Bibliya, sa aklat ng Genesis, sinasabi sa Gen 3:21, bago daw pinalabas sina Adan at Eba mula sa Paraiso, dinamitán muna sila ng Diyos ng balat ng hayop. Ibig sabihin tinakpan muna ang kahubaran nila.

Ang ginagawa ng maraming tao ngayon na panghihiya sa kanilang kapwa-tao sa social media ay walang ipinagkaiba sa sinaunang parusa ng pambabato sa mga makasalanan. Hindi na sa mga plaza o patio kinakaladkad ngayon ang nagkasala kundi sa FB, sa Twitter, Instagram at iba pang plataporma ng social media. Ang kapalit ng mga bato ay mga galít na mukha, malulupit na comments, pagmumura, panlalait, at pambabalahura. Minsan hindi pa sapat sa kanila ang tumingin, ise-share pa ito para magviral kahit hindi pa inaalam kung totoo ba o hindi, para makita ng lahat at malubos ang pagpapahiya sa tao sa publiko. Ang ibang kinakaladkad hindi nakakayanan ang pagkapahiya, nadidepress o nagsu-suicide. Palalampasin ba ng Diyos ang ganitong kalupitan?
Nang tumayo daw si Hesus hindi pa rin siya sa babae tumitingin kundi sa mga kumaladkad sa kanya. Sila ngayon ang hinamon niya nang ganito, “Ang walang kasalanan sa inyo ang siyang unang bumato.”

Pagkatapos, muling yumuko si Hesus. Bakit? Itong pangalawang pagyuko niya ay hindi na para sa babae kundi para sa mga ibig bumato sa kanya. Yumuko siya upang bigyan sila ng pagkakataong mag-isip-isip, umatras at umuwi. Parang ang mensahe niya sa kanila ay, “Kung napasubo lang kayo o nadala lang sa panunulsol ng kapitbahay nyo, pwede pa kayong magbago ng isip. Pwede ninyong ibaba ang hawak ninyong mga bato at umalis, HINDI AKO TITINGIN.” Yumuyuko daw ang mga kawayan upang padaanin ang bagyo.

Kaya siguro nasabi ni Hesus sa kanyang sermon sa bundok,“Huwag kang manghusga at hindi ka huhusgahan. Magpatawad ka at ika’y patatawarin. Dahil ang panukat na ginagamit mo para sa iyong kapwa ang siya ring gagamiting panukat sa iyo.”

Sa kuwaresmang ito, isipin natin ang napakaraming naging mga biktima ng EJK sa tatlong siyudad na kinapapalooban ng ating diocese. Mga taong hinusgahan ng marami sa atin, kahit sa isip lang, na porke’t pinatay ay baka talagang adik, na porke’t adik ay deserving na kaagad ng parusang kamatayan na wala nang due process, at basta lang itinuring bilang kabawasan sa mga salot ng lipunan. Hindi man kasali ang tumingin sa pagbaril kasama naman silang tahimik na nanood sa mga hinahakpt na bangkay. tinitigan lang natin matapos na mabaril. O isipin ang mga nirered-tag, mga taong natatawag na komunista dahil sa malasakit sa mga dukha. Isipin natin ang mga taong kinaladkad at pinagpyestahan sa publiko nang di man lang binigyan ng kahit kaunting palugit ng habag sa pagkayurak ng kanilang dangal bilang tao at kapwa nilikhang kawangis ng Diyos.

Isipin natin na alam ng Diyos ang totoo ngunit nakayuko lang siya upang bigyan tayo ng pagkakataong magsisi at bumitaw sa mga bato ng maling panghuhusga. Sabi ng Salmo 130:3, “Kung tatandaan mo Panginoon ang lahat ng aming mga kasalanan, sino kaya sa amin ang matitira?”

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 20,088 total views

 20,088 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 36,675 total views

 36,675 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 38,044 total views

 38,044 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 45,523 total views

 45,523 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 51,027 total views

 51,027 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

TEARS

 4,785 total views

 4,785 total views Homily for Mass for the Easter Octave Mass for the Eternal Repose of Pope Francis, Jn 20:11-18 It is the Octave of Easter.

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSALUBONG

 7,147 total views

 7,147 total views Homiliya para sa Paskong Pagkabuhay 2025, Juan 20:1-9 Kung may kakaiba o natatangi tungkol sa Pilipinong pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay, ito ay

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

EKSENANG KARUMAL-DUMAL

 19,122 total views

 19,122 total views Homiliya sa Biyernes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong hapon ng Biyernes Santo, tahimik tayong nagtitipon sa harap ng isang larawang karumal-dumal, ang imahen

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

KAIN NA

 8,009 total views

 8,009 total views Homiliya para sa Misa ng Huling Hapunan ng Panginoon Huwebes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong gabing ito, ipinagdiriwang natin ang tatlong malalalim na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

FULFILL YOUR MINISTRY

 7,119 total views

 7,119 total views Homily for Chrism Mass 2025 My dear brother priests and our beloved priestly people, magandang umaga po sa inyong lahat. Every year, on

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

KAPANATAGAN NG LOOB

 14,678 total views

 14,678 total views Homiliya para sa Linggo ng Palaspas, 13 Abril 2025, Lukas 22-23 Salamat sa Diyos at inalis na ang parusang kamatayan sa ating batas

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

“HUDYO” AT “ROMANO”

 2,853 total views

 2,853 total views Homiliya para sa Huwebes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 10 Abril 2025, Jn 8:51-59 Sa kadahilanang hindi sinasadya, alam n’yo ba na naging

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGSAMBANG NAGPAPALAYA

 2,855 total views

 2,855 total views Homiliya para sa Miyerkules ng Ika-5 Linggo ng Kuwaresma 9 Abril 2025 | Dn 2:14–20, 91–92, 95; Jn 8:31–42 Sapat na sana para

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

IPAMUKHA

 3,022 total views

 3,022 total views Homiliya para sa Martes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, Bilang 21:4-9; Juan 8:21-30 Mula sa krus, isa daw sa mga huling salita na

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAKIUSAP

 4,216 total views

 4,216 total views Homiliya Para sa Huwebes sa Pang-Apat na Linggo ng Kuwaresma, 3 Abril 2025, Eksodo 32:7-14; Juan 5:31-37 Kung masakdal sa Korte ang isang

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

THE FATHER WHO GOES OUT

 11,401 total views

 11,401 total views A Laetare Sunday Reflection on the Parable of the Prodigal Son (longer version)   Introduction: Rejoice, Return Home! Laetare Sunday – the Fourth

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

AS YOURSELF

 6,109 total views

 6,109 total views Homily for Fri of the 3rd Wk of Lent, 28 Mar 2025, Mk 12:28-34 Love your neighbor AS YOURSELF. We often misread this

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

MATINIK

 9,862 total views

 9,862 total views Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma, 9 Marso 2025, Lk 4:1-13 Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng

Read More »
Cardinal Ambo Homilies
H.E. Pablo Virgilio Cardinal David, D.D.

PAGLULUKSA AT PAG-AAYUNO

 8,668 total views

 8,668 total views Homiliya para sa Biyernes matapos ang Miyerkoles ng Abo, 7 Marso 20245, Mt 9:14-15 “Pwede bang MAGLUKSA ang mga bisita sa kasalan habang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top