12,229 total views
Muling itinakda ng West Philippine Sea: Atin Ito! Movement ang pagsasagawa ng ikalawang Civillian supply Mission na magtutungo naman sa Bajo De Masinloc sa West Philippine Sea sa May 14- 17.
Kabilang sa magiging gawain ng grupo, ang pagtitipon ng may 100 maliliit na bangka sa bilang pagpapakita ng pakikiisa sa civillian led convoy, susundan ng paglalagay ng boya sa West Philippine Sea at ang ikatlo ay ang pagdadala ng mga kinakailangang suplay ng mga mangingisda na nananatili sa lugar.
Ayon kay Rafaela David, lead convenor ng grupo, kabilang din sa makikiisa sa misyon si Running Priest Fr. Robert Reyes kasama ang Philippine Rural Reconstruction Movement, Lokal na pamahalaan ng Aklan at Olongapo at mga grupo ng kabataan at mangingisda sa Bajo De Masinloc.
Sinabi naman ni Fr. Reyes, na ang kanyang pakikiisa ay pagpapakita ng pagpapahalaga ng simbahan sa teritoryo at kasarinlan ng Pilipinas kaugnay sa pag-aari ng West Philippine Sea, na isang biyaya sa mula sa Panginoon sa mga Pilipino.
Dito ayon sa pari ay matatagpuan ang mga yamang dagat, at nagsisilbi din ruta ng mga bangka o barkong maghahatid ng mahahalagang suplay ng pagkain sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at mga bansa.
“Bakit po tayo sinasakop? dahil gusto nilang mapasakanila ang lahat lahat ng yan at napaka-unfair dahil kapag tinignan mo yung nine dash line nila, kakapraso nalang ang matitira ating territorial water, sinakop na nilang lahat pero sa arbitral ruling ng UNCLOS mayroong malaking bahagi from the shore upto the open water na yun sukat ng teritorrial waters, kaya napakahala na pag-aral ng bawat Pilipino ito at mapag-usapan, napakahalaga na magsama-sama tayo para ipakita na tayo ay kikilos, magdadasal, magkakaisa, kaya nga namin inilunsad ang Kandila at Bandila, sa araw-araw magdasal,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Reyes.
Ipinapaabot naman ni David ang pasalamat sa simbahan at iba pang religous organization sa nakikiisa sa gawain, kasabay na rin ng pagdiriwang ng simbahan ng Marian Month o buwan na itinalaga sa Mahal na Birhen.
“We’re thankful to have member of the religous community join us in this mission kasi pinapakita nito na yung pinaghuhugutan din natin sa kampanyang ito ay yung pananampalataya lalu na nang mga Pilipino na naniniwala na ang West Philippine Sea ay atin dapat tayong manindigan,” ayon kay David sa panayam ng Radio Veritas.
Dagdag pa ni David, “Maganda pa nga niyan this coming May, kaya natin ito ginagawa kasi Marian Month, we are commemorating Mama Mary this month and sakto si Mama Mary ang isa mga nagbabantay sa ating mangingisda, siya nga yung Stella Maris, o Mary Star of the Sea, so we are really hoping as we commemorate Stella Maris and the Marian Month we also invite more members of the religous community to be part of this mission.”
Una na ring inilunsad ni Fr. Reyes ang ‘Bandila at Kandila para sa Kapayapaan at Soberanya’ bilang kampanya sa Diyosesis ng Cubao at iba pang karatig Diyosesis.
Ang inisyatibo na pagsisindi ng kandila, kasabay ng pagsasabit ng bandila sa mga tahanan at pananalangin ay upang itigil na ng China ang pananakot at pang-aangkin sa West Philippine Sea.