459 total views
Nagkaloob ng replica image ng Santo Niño de Cebu ang Augustinian Province of Santo Niño de Cebu – Philippines sa Pontifical Parish of Saint Anne sa Vatican.
Ang naturang imahen ay ipinagkaloob ng Augustinian Province of Santo Niño de Cebu – Philippines sa pamamagitan ng Basilica Minore del Santo Niño de Cebu sa pangunguna ni Archdiocese of Cebu Archbishop Jose Palma na kasalukuyang nasa Vatican City.
Nasasaad sa mensahe ni Rev. Fr. Andres Rivera, JR., OSA – Prior Provincial ng Augustinian Province of Santo Niño de Cebu – Philippines na nawa ay maging daluyan ang imahen ng Santo Niño de Cebu ng higit pang pagpapalalim ng debosyon ng bawat mananampalataya sa Holy Child o sa Batang Hesus.
Magsisilbi ang naturang imahen bilang official image ng European Pilgrimage ng Santo Niño de Cebu sa Europa.
Ayon sa Pari ang pagkakaloob ng imahen ng Santo Niño de Cebu sa Pontifical Parish of Saint Anne sa Vatican ay bahagi rin ng patuloy na paggunita at pagdiriwang ng Simbahang Katolika sa bansa ng ika-500 anibersaryo ng pagdating ng naturang imahen sa Pilipinas kasabay ng pananampalatayang Kristiyano.
PHOTO SOURCE: The Roman Catholic Archdiocese of Cebu