316 total views
Suportado ng Simbahang Katolika ang patuloy na pagsusulong ng election reforms sa bansa.
Nasasaad sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika na hindi nararapat balewalain ang kasagraduhan ng halalan bilang isang mahalagang sangkap ng demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.
Kaugnay nito, kinatigan ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Commission on Elections na isantabi na ang partisipasyon ng Smartmatic sa pagsasagawa ng eleksyon sa bansa.
Sa opisyal na pahayag ng NAMFREL, binigyang diin election watchdog na ang panawagan ni Pangulong Duterte ay isang pagkakataon upang tumuklas ng iba pang mga teknolohiya na maaring magamit sa halalan.
Inihayag ng NAMFREL na napapanahon ang pagsusuri at pag-amyenda sa Republic Act. No. 9396 o Automated Election Law na nagtatakdang gamitin ang sistema at teknolohiya ng eleksyon na napatunayan na ang kapasidad at matagumpay ng nagamit sa mga nakalipas na halalan sa Pilipinas maging sa ibayong dagat.
Ipinaliwanag ng NAMFREL ang naturang probisyon ay humahadlang sa mga local systems developers na subukan ang mga sistemang nilikha ng mga Filipino na maaring makatugon sa maayos at mas naaangkop na automated election system sa bansa.
“The President’s pronouncement opens up the opportunity to look for other election technologies. It should be noted, however, that Republic Act No. 9369 (RA9369) or the Automated Election Law prescribes that the automated election system “x x x must have demonstrated capability and been successfully used in a prior electoral exercise here or abroad.” This provision effectively prevents local systems developers from participating in the development and supply of an automated election system. RA9369 needs to be revisited and amended to open up opportunities for local technology providers to supply locally developed election solutions that protects the secrecy of the ballot and ensures transparency of the vote count.” Pahayag ng NAMFREL
Matatandaang mula ng magsimula ang automated elections sa bansa noong 2010 ay naninindigan ang NAMFREL na dapat na mas dapat na pangasiwaan ng mga Filipino ang proseso ng halalan sa bansa sa halip na hayaan sa kamay ng mga dayuhang kumpanya tulad ng Smartmatic.
May 10, 2010 ng unang isinagawa ang full automated elections sa Pilipinas.
Batay sa Republic Act No. 7166, mandato ng Commission on Election ang pagkakaroon ng malinis, tapat at payapang eleksyon sa bansa.