156 total views
Isang malaking patunay na walang hanggan ang awa ng Diyos na kaloob sa dokumento ni Pope Francis na “Misericordia et Misera o Mercy and Misery” na regalo sa Archdiocese of Manila.
Ayon kay Tarlac Bishop Enrique Macaraeg, sa pamamagitan nito ay extended na ang pagbibigay ng faculties sa mga pari na makapagbigay ng absolution sa kasalanan ng abortion.
Pahayag pa ng Obispo tulad ng sinabi ni Pope Francis na nagsara man ang taon ng awa subalit ang pagpapatawad at awa ng Diyos ay walang hanggan.
Dagdag pa ng Obispo, nais ding iparating ng kautusan na ito ng Santo papa na abot kamay lamang at madaling ihingi ng tawad ang malalaking kasalanan tulad ng abortion.
Mensahe pa ng Obispo na tulad ng sinsabi ng santo papa ang Diyos ay hindi nagtatanda ng mga kasalanan kung kaya’t madali sa kanya ang magpatawad.
“Ang mercy of God ay hindi lamang nagtatapos nung jubilee year kasi ang pagpapatawad ng Diyos ay walang hangganan. Unlimited kaya yung mga pari ay mayroon na ring faculty to absolve sin of abortion para madama ng tao na ang pagpapatawad ng Diyos ay walang hangganan na madaling magpatawad ang Diyos,” pahayag ni Bishop Macaraeg.
Nilinaw ng Obispo na hindi nito binabago ang pagtingin ng simbahan sa abortion na malaking kasalanan sa Diyos dahil buhay ng tao ang sinisira nito.
“Although sinasabi pa rin niya na abortion is a grave sin because sinisira ang buhay ng bata still a grave sin pero yung sa faculty to absolve yung pagtanggap ay madali na kasi ang Diyos ay mapagpatawad madaling magpatawad.Kasalanan pa rin yun kasi sinisira yung buhay, pero yung ipinapahiwatig niya ay yung pagpapatawad ng Diyos ay unlimited at andiyan palagi, ayon sa Obispo.
Base sa datos, 500,000 illegal abortion ang naitala ng Pilipinas kada taon.