Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 257 total views

Mga Kapanalig, kahapon, Kapistahan ng Kristong Hari, ay pormal nang natapos ang Natatanging Taon ng Jubileo ng Awa. Natatangi o “extraordinary” ang nasabing jubileo dahil itinakda ito ni Pope Francis nang wala pa sa ika-25 taon matapos ang huling “ordinary jubilee” na ipinagdiwang noong taóng 2000.

Batay na rin sa “papal bull” na Misericordiae Vultus (na kung isasalin sa Filipino ay nangangahulugang “Ang Mukha ng Awa”), ang Taon ng Jubileo ay panahon ng paghingi ng kapatawaran at taos-pusong pagsisisi para sa mga nagawang kasalanan. Kasabay nito ang pakikipagkasundo at pagkamit ng tinatawag na “indulhensya plenarya” sa pamamagitan ng pagdalaw sa mga banal na lugar. Sa pamamagitan ng Jubileo ng Awa, nais ng ating Santo Papa na magbalik-loob tayo sa ating Panginoon at yakapin ang Kanyang Banal na Awa. Akmang-akma ito lalo na’t labis na pagdurusang dinaranas ng napakarami nating kapatid at maging ng ating mga sarili. Isa itong natatanging pagkakataon upang sa ating mga buhay ay maranasan natin ang walang hanggang awa ng Diyos at maipaabot ito sa ating kapwang naguguluhan at nangangailangan ng makakapitan.

Ngunit hindi natapos kahapon ang ating misyong yakapin ang awa ng Panginoon at ihatid ito sa ating kapwa. Mula nang ideklara ito ng ating Santo Papa, tunay namang napakaraming nangyari sa ating personal na buhay at maging sa ating paligid. Gaya na lamang ng mga naganap sa mga huling araw bago matapos ang Natatanging Taon ng Jubileo ng Awa: Biyernes nang magulat ang marami sa atin nang mabalitang inilibing na si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Makatutulong na pagnilayan natin ang pagpapalibing kay dating Pangulong Marcos mula sa lente ng awa at habag. Ngunit sa halip na ituon natin ito sa isang tao o pamilya, ibaling natin ang ating paningin sa mga taong naging magkasalungat ang pananaw sa nasabing isyu. May mga buong galak na tinanggap ang nangyari, at mayroon ding walang mapagsidlan ang kanilang pagkadismaya. Kapwa ay nangangailangan ng awa—awa para sa pagpanig sa iisang bersyon ng katotohanan, at awa para sa hindi pagkakakamit ng tunay na katarungan.

May isa pang grupo ng mga Pilipino na nangangailangan din ng awa. Sa pagitan ng mga nagtatagisang pananaw at damdamin, hindi ba’t mas marami sa atin ang mistulang walang pakialam sa isyu? Hindi ba’t mas nakababahala ang kawalan ng kaalaman ng mas maraming Pilipino sa bigat ng usaping ito? Humantong tayo sa sitwasyong ito—isang sitwasyong naghati-hati sa atin—dahil marami ang hindi nakakaalam, marami ang hindi nakauunawa. At bunga ito ng kakulangan ng pag-abot sa kanila ng mga taong may nalalaman at ng mga institusyong humuhubog sa ating kaluluwa bilang isang bayan.

Ang awa, gaya ng ipinamalas ni Hesus sa mga taong hindi lubos ang naging pagtanggap sa Kanya, ay isang biyayang kailangan nating matutuhan. Kailangan nating isabuhay ito upang maipamahagi sa mga pagkakataong tila ba mahirap abutin ang mga taong walang pakialam sa kanilang kapwa, sa mga taong walang pakialam sa kanilang lipunan. Ang awa ng ating Panginoon, na humantong sa pagkakapako sa krus ng Kanyang Anak na si Hesus para sa kasalanan nating lahat, ay dapat na mag-udyok sa ating mga sumasampalataya sa Kanya na patuloy na alamin ang katotohanan at isulong ang tunay na katarungan, nang sa gayon ay maabot natin ang ating kapwang piniling manahimik dahil walang nalalaman. Sa mga panahong nawawalan tayo ng ganang magpatuloy, paulit-ulit nating alalahanin ang walang hanggang awa at habag na ipinamalas ni Hesus sa lahat.

Mga Kapanalig, mapanghamon ang ating kasalukuyang panahon. Sa bawat pagsubok na kinakaharap natin bilang isang bayan, ang maiaambag natin bilang mga mananampalataya ay ang isang uri ng awang inuudyukan ng pagnanais na unawain ang ating kapwa at ang sitwasyong kinalalagyan natin. Ang kailangan natin ay isang uri ng awang itinutulak tayong kumilos upang gawin ang tama at nararapat.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 50,846 total views

 50,846 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 61,921 total views

 61,921 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 68,254 total views

 68,254 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 72,868 total views

 72,868 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 74,429 total views

 74,429 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 50,847 total views

 50,847 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 61,922 total views

 61,922 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 68,255 total views

 68,255 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 72,869 total views

 72,869 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 74,430 total views

 74,430 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 44,615 total views

 44,615 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,276 total views

 67,276 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,852 total views

 72,852 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 78,333 total views

 78,333 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 89,446 total views

 89,446 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 85,445 total views

 85,445 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 73,147 total views

 73,147 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 81,629 total views

 81,629 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,688 total views

 74,688 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 81,612 total views

 81,612 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top