Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ayuda at bakuna, hindi buhangin

SHARE THE TRUTH

 187 total views

Mga Kapanalig, sa halip daw na lumabas ng bahay at pumila sa mga community pantries upang makakuha ng pagkain, pinayuhan ni Pangulong Duterte ang mga Pilipinong maghintay na lang ng ayuda mula sa pamahalaan. Maghintay na lang daw ang mga walang makain at nagugutom. Maghintay na lang daw ang mga walang trabaho.

Ngunit kung talagang nariyan ang ayuda mula sa pamahalaan, magtitiyaga bang pumila ang mga kababayan natin sa mga community pantries? Mabuti na lamang at patuloy ang pagbabahagi ng mga may mabubuting-loob at ang pagdadamayan ng mga mamamayan, kaya’t habang naghihintay ang mga kababayan natin sa sinasabing tulong mula sa pamahalaan, mayroon silang maidadagdag sa kanilang ihahain mula sa community pantries.

Kung inilaan na lang sana sa ayuda ang 265 milyong pisong pondong gagamitin sa second phase ng Manila Bay Beach Nourishment Project, tiyak na marami ang makabibili ng pagkain at iba pa nilang pangangailangan. Ganitong kalaking pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa pagtatambak muli ng buhangin sa maliit na bahagi ng dalampasigan ng Manila Bay. Bahagi raw ito ng pagpapanumbalik ng ganda ng Manila Bay. Pondo itong inilagak sa Department of Environment and Natural Resources (o DENR) para sa proyektong ang Department of Public Works and Highways (o DPWH) ang magpapatupad.

 

PSD Toktok

 

Kung gagamitin natin ang pinakamababang halaga ng ayudang ipinamahagi sa ilalim ng Social Amelioration Program (o SAP) na limanlibong piso, ang 265 milyong pisong gagamiting pambili ng dinurog na dolomite ay makatutulong na sa mahigit 50,000 na pamilya. Marami rin ang mabibiling bakuna laban sa COVID-19 gamit ang pondong ito lalo na’t hanggang ngayon, kakaunti pa lamang ang dumarating na bakuna, karamihan pa sa mga ito ay donasyon. Mas marami pa ang maaaring matulungan kung isasama pa natin ang ginastos ng pamahalaan sa unang phase ng proyektong ito sa Manila Bay na umabot sa 389 milyong piso. At nitong Abril nga, nagtambak muli ng dolomite sa baywalk. Sa kabuuan, 1.7 bilyong piso ang gugugulin para sa Manila Bay Rehabilitation Program.

Hangad nating lahat na maibalik ang ganda at panatilihing malinis ang Manila Bay, ngunit nakalulungkot lamang na nasabay ito sa pagtugon ng pamahalaan sa krisis na dala ng nagpapatuloy na pandemya. Napakahirap matanggap na habang napakaraming manggagawa ang nawalan ng hanapbuhay at mga pamilyang hindi na kumakain nang sapat at maayos, nakikita natin ang pamahalaang nagpapatupad ng mga proyektong hindi makapaglalagay ng laman sa mga kumakalam sa sikmura. Sinabi pa noon ng tagapagsalita ng pangulo na makatutulong ang white sand beach ng Manila Bay sa ating mental health, mga salitang makaiinsulto sa mga hanggang ngayon ay nababalisa sa takot at nalulugmok sa lungkot.

Sa Catholic social teaching na Mater et Magistra, sinabi ni Pope John XXIII na tungkulin ng Estado, sa pamamagitan ng pamahalaan, na gamitin ang kapangyarihan nito upang itaguyod ang kabutihang panlahat o common good at upang tiyaking nakakamit ng mga tao, lalo na ng mga mahihirap, ang kanilang mga pangunahing pangangailangan. Sa pagganap sa tungkuling ito, napapatunayan natin ang sinasabi sa Roma 13:1 na ang Diyos ang nagtatatag ng mga pamahalaang umiiral. Ngunit kung hindi, tungkulin nating mga mamamayang aulit-ulit na paalalahanan ang mga namumuno sa ating bayan.

Mga Kapanalig, hindi natin alam kung paano nagagawa ng ating mga lider sa pamahalaan na bigyang-katwiran ang pagtatambak ng buhangin sa Manila Bay sa harap ng napakaraming pangangailangan ng mga kababayan nating naapektuhan ng pandemya. Bagamat nakatataba ng puso ang ating pagbabayanihan, huwag nating kalimutang tungkulin pa rin ng ating pamahalaan na gamitin ang pondong mula sa ating mga buwis para sa ating kapakanan lalo na ngayong humaharap pa rin tayo sa napakatinding hamong dala ng pandemya.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 23,191 total views

 23,191 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 37,847 total views

 37,847 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 47,962 total views

 47,962 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 57,539 total views

 57,539 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 77,528 total views

 77,528 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 23,193 total views

 23,193 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,509 total views

 2,509 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 37,849 total views

 37,849 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 47,964 total views

 47,964 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 57,541 total views

 57,541 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 77,530 total views

 77,530 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,034 total views

 48,034 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,059 total views

 43,059 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,628 total views

 46,628 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,083 total views

 59,083 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,150 total views

 70,150 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,469 total views

 76,469 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,080 total views

 81,080 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,640 total views

 82,640 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,201 total views

 48,201 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top