710 total views
Mag-ingat sa mga nagpapakitang mga kaluluwa, dahil maaring ito ay mga masasamang espiritu at mga kaluluwang mula sa impiyerno.
Babala pa ni Fr. Daniel Estacio, exorcist priest ng Archdiocese of Manila, huwag magpapaloko sa mga kaluluwa dahil maaring hindi ito kaluluwa ng iyong mahal na yumao.
“Do not be deceived kasi maraming nagpapakita, may pinapagawang ganito, sinasabing hindi pa tapos ang misyon nila kailangan pang may tapusin. They are not souls in the purgatory, they are evil spirits na nanggagaya,” ayon kay Fr. Estacio na kasalukuyang kura paroko ng Sto. Niño de Taguig Parish.
Paliwanag ni Fr. Estacio, may apat na category ang mga kaluluwa at ito ay ang mga sumusunod: (1) evil spirits o unclean spirits; (2) dumb souls- mga nasintensyahan na sa impiyerno hindi na sila makakaalis doon; (3) souls in the purgatory na nagmamanifest just to ask for prayers at ang (4) good spirits o mga angels.
“Kadalasan ang mga nagmamanifest ay yung mga unclean spirits na nagmi-mimic ng katulad ng mga kaluluwa sa purgatoryo kaya yung mga nakakausap through occult means, like may medium, sinapian -sinasabing yun ang lolo mo, lola mo na hindi matahimik na sumapi sa ganito hindi totoo yun. Kasi ang mga souls in purgatory hindi sila nag-e-envade ng katawan just to say their message,” ayon kay Fr. Estacio.
Kalimitan ayon kay Fr. Estacio, nagpapakita o nagpaparamdam ang mga kaluluwa sa purgatoryo para lamang humingi ng panalangin na siyang makakapagpanatag sa kanila at higit nilang kinakailangan para mnaka-akyat sa kaluwalhatian.
Ayon kay Fr. Estacio, “Yung iba nagpapakita, nagpaparamdam, nagpapaamoy bulaklak, kandila. Like, si Padre Pio maraming nagpapakita, humihingi ng panalangin and when you offer them the prayer napapanatag sila. Kasi kumportable sila prayer kasi yun ang kailangan nila, offer them masses yung ang dapat na ibigay natin sa kanila.”
Si Fr. Estacio ang nag-iisang priest exorcist sa Diocese of Pasig at kabilang sa 6 na Exorcist ng Archdiocese of Manila Office of Exorcism (AMOE).
Kabilang din sa mga miyembro ng AMOE sina Fr. Jocys Syquia; Fr. Bobby Dela Cruz; Fr. Winston Cabading; at Fr. Jojo Zerrudo na mapapakinggan sa kanilang programang Kristo Liwanag sa Dilim sa Radyo Veritas tuwing Sabado, alas-6 hanggang alas 8 ng gabi.
Tunghayan ang mga kwentong misteryo at kababalaghan at mga kaugaliang Pilipino tuwing sasapit ang Undas sa “Dalangin at Ala-ala”, a two-day special programming ng Veritas 846 Radyo Totoo mula November 1 hanggang November 2, 2016. Maaari rin itong mapanood ng live sa www.veritas846.ph.