Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 578 total views

Homiliya para sa Ika-32 Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Nobyembre 2022, Lk 20:27-38

Mula nang magsimula ang pandemya, parang unti-unti nang nasanay ang mga Katoliko sa cremation, na dati-rati ay hindi pa katanggap-tanggap sa maraming mga Kristiyano dahil nga sa paniniwala natin sa muling pagkabuhay. Masyado pa kasing literal noon ang intindi natin sa doktrinang ito, kahit alam naman natin na ang katawan natin ay talagang mabubulok at babalik sa lupa.

Siguro dahil din ito sa mga binabasa natin na mga kuwento sa ebanghelyo tungkol sa mga taong namatay pero ibinangon muli ni Hesus. Halimbawa iyung namatay na binatang anak ng babaeng balo na taga bayan ng Naim, o iyung dose anyos na anak ni Jairus, o si Lazaro na kapatid nina Marta at Maria. Namatay sila pero binuhay na muli ni Hesus. Iyun na ba ang ibig sabihin ng “muling pagkabuhay”? Hindi. Bakit? Kasi namatay din silang muli. Hindi naman RESURRECTION ang dapat itawag doon sa English kundi “RESUSCITATION”. Binuhay na muli pero katawang lupa pa rin.

Sa Sulat ni San Pablo sa Romans chapter 6:8, sabi niya, “At kung namatay tayong kasama ni Kristo, naniniwala tayong mabubuhay din tayong kasama niya. Alam natin na si Kristoʼy muling nabuhay at hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan.”

Ito rin ang paksa ng ating Gospel reading ngayon: ano ba ang kahulugan ng muling pagkabuhay? Kahit kasi noong panahon ni Hesus at ni San Pablo, hindi pa nagkakasundo ang mga Hudyo tungkol sa doktrina ng muling pagkabuhay. Meron ngang isang eksena sa aklat ng mga Gawa ng mga Apostol, chapter 24,13-15, noong minsan inaresto at nililitis si San Pablo at pinagkakaisahan siya para masentensyahan ng parusang kamatayan. Nakaisip siya ng paraan para ma-divide ang Konseho ng Sanhedrin. Sabi niya, “Ako ba’y nililitis ninyo dahil sa aking paniniwala sa muling pagkabuhay?” Ayun, nagkagulo tuloy sila at hindi na magkasundo. Kumampi sa kanya ang mga Pariseo dahil naniniwala sila sa muling pagkabuhay, laban sa mga Saduseo, ang grupong hindi naniniwala sa muling pagkabuhay.

Ito rin ang grupong nagtatanong kay Hesus sa binasa nating ebanghelyo ngayon. Sino daw ang magiging asawa ng babae sa kabilang buhay kung pitong beses siyang ikinasal? Mababaw pa rin ang intindi nila sa pagkabuhay. Hindi RESURRECTION kundi RESUSCITATION. Para bang ang tingin sa langit ay pagpapatuloy lang ng buhay dito sa lupa. Ano ang problema nila? Kulang sila sa IMAHINASYON.

Dalawa ang naiisip kong pinakamagandang mga pagbasa sa Bibliya na makatutulong sa ating imahinasyon para maintindihan natin ang doktrina ng RESURRECTION o muling pagkabuhay: ang John 12:24 at 1 Corinthians 15. Pareho ang ginagamit na larawan para ipaliwanag ang doktrina ng muling pagkabuhay: ang butil ng trigo o ang binhi ng isang punongkahoy.

May isang kuwentong pambata na magandang talinghaga para sa resurrection. “Minsan may isang langgam na masipag pero mangmang. Sa paghahanap daw niya ng pagkain, isang araw, nakatagpo siya ng isang buto ng sitaw. Tuwang-tuwa siya, dahil maraming pagkain na raw ito. Kahit mas malaki pa sa kanya ang buto ng sitaw, kinaladkad niya ito. Pero hindi niya maiuwi dahil nag-iisa lang siya, at malayo ang mga katropa niya. Kaya humukay daw siya at ibinaon muna niya ito sa lupa. Baka daw kasi nakawin ng iba.

Nilagyan pa niya ng tanda ang pinaglibingan para alam niya kung saan huhukayin pagbalik niya. Makalipas ang ilang araw, binalikan niya ito. Naroon pa rin ang tanda pero nawawala ang buto, puro mga balat na lang ang naiwan sa tabi. Habang iniiyakan niya ang nawawalang buto ng sitaw, napatingala siya dahil tinatawag pala siya ng mga katropa niyang mga langgam na nakaakyat sa isang puno. Ang nakita niya ay isang puno ng sitaw na nakapulupot sa isang patpat at maraming bunga. Ang hinahanap niya isang buto ay naging mahigit isandaang buto sa loob ng mga nakalawit na bunga sa baging na sitaw.”

Ito ang misteryong binabanggit ni Hesus at ine-explain ni San Pablo sa 1 Corinthians 15. Sa verse 35 sabi niya, “May nagtatanong, Paano bubuhaying muli ang mga patay? Ano ang magiging ayos ng katawan nila? Hangal! Hindi mabubuhay ang binhing inihahasik hangga’t hindi ito namamatay.” At sa verse 42, sabi rin niya, “Ganyan din sa muling pagkabuhay: ang itinanim na nabubulok ay tutubong hindi na mabubulok; ang itinanim na pangit ay tutubong maganda. Ang itinanim na mahina ay tutubong malakas.” At sa verse 54, sabi niya, “Babaguhin tayong lahat… Kapag napalitan na ng walang pagkabulok ang nabubulok at napalitan na ng walang kamatayan ang katawang namamatay, natupad na ang Kasulatan.” Ibig sabihin natalo na ang kamatayan.

Minsan sa aking imahinasyon pinapangarap kong umimbento ng kakaibang paraan ng paglilibing ng ating mga yumao. Sana makaimbento tayo ng ibang paraan ng ritwal ng paglilibing: hindi na inimbalsamong bangkay na ilalagay sa nitso ang ating mga yumao o bangkay na cremated at isisilid sa columbaryo. Pwede kaya tayong umimbento ng sacred composting ng mga yumao? Para ang paglilibing ay maging ritwal ng pagtatanim. Hindi kaya mas maganda kung dumating ang panahon na lahat ng mga bundok ay maging sementeryong paglilibingan ng composted remains ng ating mga yumao, at imbes na lapida ang tanda para sa pinaglibingan, isang punongkahoy na humuhugot ng sustansya sa ating katawang lupang nabulok upang mapalitan ng katawang makalangit?

Ang ganda sigurong dumalaw sa atingmga yumao kung ang sementeryo ay isang makapal na gubat at magpi-picnic sa ilalim ng isang punong pinataba ng sustansya ng ating katawang lupa? Ang sarap sigurong kainin ng mga prutas na ibinunga halimbawa ng punong mangga na may nakatitik na pangalan: Juan de la Cruz—namatay sa katawang lupa upang mabuhay na muli sa katawang makalangit. Ang ritwal ng paglilibing ay magiging ritwal ng pagtatanim.

 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 30,045 total views

 30,045 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 44,701 total views

 44,701 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 54,816 total views

 54,816 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 64,393 total views

 64,393 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 84,382 total views

 84,382 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,345 total views

 7,345 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,475 total views

 9,475 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,474 total views

 9,474 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,476 total views

 9,476 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,472 total views

 9,472 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,344 total views

 10,344 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,546 total views

 12,546 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,579 total views

 12,579 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,933 total views

 13,933 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 15,029 total views

 15,029 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 19,237 total views

 19,237 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,956 total views

 14,956 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,325 total views

 16,325 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,587 total views

 16,587 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 25,280 total views

 25,280 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top