54 total views
Pormal nang itinalaga bilang ikalawang obispo ng Diocese ng Cubao si Bishop Elias Ayuban Jr. sa rito ng pagtatalaga na ginanap sa Mary Immaculate Cathedral sa Cubao, Quezon City.
Ang misa ng pagtatalaga ay pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, katuwang sina Apostolic nuncio to the Philippine Charles Brown, kasama ang ilang mga obispo ng simbahan.
Nagbigay naman ng pagninilay si Cardinal-elect Pablo Virgilio David-pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kung saan tinalakay niya ang kahalagahan ng kababaang-loob at pag-unlad sa misyon bilang isang obispo.
Sa kaniyang mensahe, bago maging isang tunay na pastol ng kawan, kailangan muna matutunan ang pagiging isang tupa.
“He has to learn to be a lamb before he could grow into a shepherd. He had to allow himself to be fed before he could feed the flock. And before he could lead the church, he had to learn to die to himself and to allow Jesus to lead him by the hand like a little child,” ayon sa pagninilay ni Cardinal-elect David.
Ayon sa obispo ng Kalookan, ganito niya iniuugnay ang napiling ebanghelyo ni Bishop Ayuban para sa kaniyang ordinasyon.
Dagdag pa ni Cardinal-elect David, na tulad ng obispo, at ng lahat ng mga obispo at pari ay nauugnay din sa ebanghelyong ito na tulad ni San Pedro na nahaharap sa kahinaan ay may pagkakataon ng maligaw o sumuko.
“For in weakness power reaches perfection. For it is when I am weak that I am strong, this passage is consoling for all of us, because it assures us that with Jesus, even if our human commitments are breakable, they are also renewable if we unite them with Christ. He just wants to make sure that if we go on with our mission to feed the lambs, it should be more no other reason than for love of the shepherd to whom they belong,” bahagi pa ng homiliya ni Cardinal-elect David.
Binigyan pagkilala ni Cardinal-elect David si Bishop-emeritus Honesto Ongtioco na nagsilbi bilang kauna-unahang obispo ng Cubao sa loob ng 21-taon.
Ang Diyosesis ng Cubao, na itinatag noong 2003, ay sumasaklaw sa malaking bahagi ng Lungsod Quezon.
Si Bishop Ayuban ng Claretian missionary in the Philippines ay itinalaga ng Santo Papa Francisco noong October 4.
Ang bagong talagang obispo ay tubong North Cotabato na inordinahang pari 1996. Naglingkod din siya bilang opisyal ng Vatican Congregation for Institutes of Consecrated Life and Societies of Apostolic Life, at may doctorate sa canon law.
Nagturo siya sa Claretianum sa Roma at simula 2022 ay nagsilbi bilang co-chairperson ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP).
Magiging katuwang ni Bishop Ayuban sa pagpapastol ang higit isa punto apat na milyong mga katoliko ang 186 mga pari sa 47 mga parokya.