234 total views
Hinirang ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang bagong Obispo ng Diocese of Novaliches si Bishop-Elect Roberto Gaa.
Ito ay matapos ang pagreretiro ni Bishop Antonio Tobias, na magiging 78 gulang na ngayong ika-13 ng Hunyo.
Si Bishop Elect Gaa ay nag-aral sa Ateneo De Manila High School at kumuha ng BS Mechanical Engineering sa University of the Philippines.
Nagtapos din ito sa San Carlos Graduate School of Theology, at nag patuloy ng pag-aaral sa Pontificia Universita Gregoriana sa Roma.
Nanunungkulan sa kasalukuyan bilang Rector at Dean ng Studies of the Holy Apostles Seminary si Bishop Elect Gaa.
Siya rin ang ika pito sa mga Obispo na hinirang ng Santo Papa Francisco ngayong 2019 sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan apat na lamang ang mga Simbahan sa Pilipinas na wala pang Obispo, ito ang Diocese of Iligan, at mga Apostolic Vicariates ng Jolo, San Jose, Mindoro, at Taytay, Palawan.(Yana Villajos)