Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bagong Pinuno ng PhilHealth, nanawagan ng pagkakaisa

SHARE THE TRUTH

 63,932 total views

Hinikayat ng bagong pinuno ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth na si Emmanuel R. Ledesma, Jr. ang lahat ng kawani ng PhilHealth na magtulungan at magkaisa para maisakatuparan ang layunin ng National Health Insurance Program.

“We’re in the same team (kaya) magtulungan tayo, let’s all work together and move forward together,” pahayag ni Ledesma sa kanyang maikling mensahe nito lamang Lunes sa nationwide virtual flag ceremony ng ahensya. Hinikayat din niya ang mga empleyado na  magtrabaho bilang pagsuporta sa mga ospital at duktor na pawang partners ng PhilHealth para sa mga pasyente.

Dagdag pa ni Ledesma, ang tunay na kalaban ng lahat ay ang iba’t-ibang sakit at kondisyong pangkalusugan  ng mga pasyenteng Filipino na nangangailangan ng suportang pinansyal para sa gastusin sa pagpapagamot.

Si Ledesma ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. bilang Acting President and Chief Executive Officer ng PhilHealth at miyembro ng Board of Directors bilang Expert Panel. Siya ay nanumpa sa harap ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin sa isang simpleng seremonya sa Malacañang Palace noong Nobyembre 24, 2022.

Siya ay nagtapos ng Bachelor of Science major in Economics, na nakatuon sa Management sa University of the Philippines. Mayroon din siyang Master’s Degree sa Business Administration, major in Finance, Management and Strategy, mula sa J.L. Kellogg Graduate School of Management – Northwestern University sa Evanston, Illinois.

Dati siyang naging Pangulo at Punong-tagapagpatupad ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation sa loob ng limang taon. Tulad din ng PhilHealth, ang PSALM Corporation, ay isang government–owned and controlled corporation.

Si Ledesma ay dalubhasa sa banking at corporate finance, at may malawak na karanasan sa local at international banks, gaya ng Philippine Commercial International Bank, Royal Bank of Canada, at PCI Capital Corporation. Siya rin ay nagsilbi bilang Direktor/Bise Presidente ng Morgan Stanley and Co., Inc., Private Wealth Management Group, sa loob ng 12 taon.  Siya ay kilala rin sa larangan ng power at energy consultancy.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 133,707 total views

 133,707 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 141,482 total views

 141,482 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 149,662 total views

 149,662 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 164,321 total views

 164,321 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 168,264 total views

 168,264 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Press Release
Veritas Team

Lahat ng Senior Citizens, garantisado sa PhilHealth

 63,058 total views

 63,058 total views Muling ginarantiyahan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na may benepisyong makakamtan sa panahon ng pagpapa-ospital at maging sa paggamit  ng primary care 

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top