330 total views
Ito ang New Year message ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Ayon kay Cardinal Tagle, ang bagong taon sa Simbahang Katolika ay paggunita kay Maria bilang ina ng Diyos na prinsipe ng kapayapaan.
Ipinaliwanag ng Kardinal na ang kapayapaan ay kung nasaan ang katotohanan, katarungan, tunay na paggalang sa buhay at dignidad ng kapwa-tao, tunay na kalayaan at pagmamahalan.
Itinuturing ni Cardinal Tagle na “active non-violence” ang kapayapaan na kumikilos sa pamamaraang hindi marahas kundi sa isang pamamaraang punong-puno ng pag-ibig at pagmamahalan.
Hinimok ng Kardinal ang lahat na manalangin at isalalay ito sa kamay ng Mahal na Ina na nagbigay sa atin ng prinsipe ng kapayapaan.
Full transcript New Year message:
Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
Mga minamahal na kapatid sa panginoong Hesu Kristo, mga Kapanalig ng ating Radyo Totoo, Radio Veritas.
Happy New Year po, isang mabiyaya at masaganang bagong taon.
Alam po ninyo para sa atin sa Simbahang Katoliko, ang bagong taon ay paggunita kay Maria bilang ina ng Diyos, ang prinsipe ng kapayapaan.
Kaya ang bagong taon ay pananalangin para sa kapayapaan. Ano ba ang kapayapaan? Hindi lamang po kawalan ng gusot, ang kapayapaan ay kung nasaan ang katotohanan,katarungan,tunay na paggalang sa buhay at digdinad ng kapwa-tao,tunay na kalayaan at pagmamahalan.
Ang kapayapaan ay bunga lamang ng lahat ng iyan,kaya manalangin po tayo sa taong ito at ating isalalay sa kamay ng mahal na ina na nagbigay sa atin ng hari ng kapayapaan ang taong darating.
Sa mensahe ng Santo Papa, Pope Francis “non-violence”, ibig kung dagdagan “active non-violence”, iyan ang kapayapaan kikilos hindi sa pamamaraang marahas kundi sa isang pamamaraan na punong-puno ng pag-ibig hanggang sa matalo ang karahasan.
Happy New Year.