13,516 total views
Nangangailanagan na ng tulong ang mga residente na naapektuhan ng bagyong Agaton sa Visayas.
Ito ang panawagan ng mga opisyal ng simbahan sa mga lugar na apektado ng bagyo lalo na sa Leyte kung saan naitala ang mga malawak na pagbaha at mga landslide dulot ng ilang araw na pag-ulan.
Ayon kay Maasin Social Action Director Fr. Harlem Gozo, kakailanganin nila ang karagdagang suporta para makatugon sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng bagyong Agathon.
Ikinalulungkoy din ni Fr. Gozo na hindi pa man nakakabangon mula sa epekto ng bagyong Odette noong Disyembre 2021 ay muli na namang nasalanta ng pa ibagong bagyo ang kanilang lugar.
“Nahirapan na talaga kami lalo na dito sa [Diocese] kaya mag-aapeal na tayo di kakayanin ng Social Action” mensahe ni Fr. Gozo sa Radio Veritas.
Isa sa mga pinaka-naapektuhan ng bagyong Agaton ay ang bayan ng Baybay sa Southern Leyte na nasasakop ng Diocese ng Maasin kung saan 14 ang naitalang nasawi habang mahigit sa 100 pamilya ang inilikas.
Siinabi naman ni Palo Archbishop John Du na matindi din ang naging epekto ng bagyong Agathon sa bayan ng Abuyog sa lalawigan ng Leyte.
Nahihirapan din ayon sa arsobispo ang Arkidiyosesis na magsagawa relief operations lalo na’t mataas pa din ang baha sa nasabing bayan.
Hindi din nakaligtas sa mataas na tubig ang parokya sa Baybay.
“Rain is very heavy causing flooding to the town of Abuyog. The water in the Church proper is up to the waist. We are now preparing relief goods and foo to distribute but its difficult to enter due to the [high] water” mensahe ng Arsobispo ng Palo Archdiocese.
Sa Archdiocese ng Capiz, sinabi ni Fr. Mark Granflor-direktor ng Capiz Archdiocesan Social Action Center o CASAC na nakikipag-ugnayan na sila sa mga parokya at lokal na pamahalaan upang makakalap ng impormasyon sa lawak ng pinsala.
Ang bagyong Agaton ang unang bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong taon.