10,790 total views
Nag-iwan ng tatlong kataong patay ang bagyong Paeng sa lalawigan ng Antique.
Sa panayam ng DYKA Radyo Totoo Antique kay Louie Palmes ng Patnongon MDRRMO, natagpuan ang dalawang patay sa Barangay Poblacion at isa naman sa Brgy.Samalague ng nasabing bayan.
courtesy: Mark Andio Dela Gracia
Dahil sa walang tigil na ulan, maraming bayan sa lalawigan ng Antique ang lumubog sa tubig baha at nagdulot ng mga landslide.
Sa litratong kuha ni John Michael Obiano, makikita ang naputol na Paliwan bridge na nag-uugnay sa Brgy.Cubay North bayan ng Bugasong at Brgy.Lugta sa bayan ng Laua-an.
kuha ni :John Michael Obiana
Nalubog din sa tubig baha ang transmitter ng DYKA Radyo Totoo Antique dahilan upang mag-off air ang himpilan habang naitala ang matinding pinsala ng bagyo sa bayan ng Hamtik, San Jose de Buenavista, Sibalom, Bugasong at Patnongon.
DYKA Radyo Totoo Antique FB
Naitala din ang landslide sa national highway na bahagi ng Sitio CI-O sa Brgy.Bagtason na naging passable lamang sa mga sasakyan ngayong ika-29 ng Oktubre, 2022.
Sa ipinadalang ulat ni Fr.Edione Pebrero, Social Action Director ng Diocese of Antique at station manager ng DYKA Radyo Totoo at Spirit FM Antique, 4,500 na individual o 1,800 families na apektado ng bagyong Paeng ang nasa iba’t-ibang evacuation centers sa lalawigan.
Sinabi ni Fr.Pebrero na nagpapatuloy sa kasalukuyan ang relief operations ng S-A-C at iba’t-ibang grupo sa mga naapektuhan ng hagupit ng bagyo sa lalawigan ng Antique.
“4,500 nasa evacuation centers o 1800 families. Lubog yong mga bahay kagabi dahil sa matinding ulan. Isang bridge that connects Southern part to northern part ang naputol. Bridge that connects to Iloilo, hindi puwede madaanan ng vehicles. Ongoing ang relief operations ng different groups after ng rescue operations’.mensahe ni Fr.Pebrero sa Radio Veritas