667 total views
Kapanalig, mas maraming mga lugar ngayon ang nagiging biktima ng malawakang pagbaha. Ano nga ba ang dahilan nito?
Sanga-sanga ang mga salik na nagdudulot ng pagbaha sa maraming lugar sa ating bayan ngayon. Unang-una, nag-iiba na rin ang weather patterns sa maraming parte ng mundo. Mas malakas na ang mga ulan at bagyo. May mga panahon rin na mas mahaba na ang panahon ng tag-ulan. Ang kawalan ng maayos na drainage o daluyang tubig ay problema rin, kapanalig. Maraming mga settlements, subdivisions, at mga gusali ang nagsulputan sa maramig lugar sa ating bayan. Dahil walang maayos na plano, pati drainage nakalimutan na. Ang mga dating natural na daluyan ng tubig ay naharang, kaya’t mabilis na tumaas ang baha. Nawala ang mga natural na exit tungo sa mga ilog at dagat.
Isa ring dahilan ay kawalan ng puno. Kapanalig, marami sa ating mga kagubatan ay nakalbo na. Ang nakakalungkot nga dito, hindi natin maaring masisi ang mga illegal loggers lamang. Pati mga maliit o artisanal farmers ay kinakalbo din ang kagubatan dahil sa kaingin.
Kapanalig, sa puntong ito, bigyang diin natin ang kahalagahan ng kagubatan, ang ating first line of defense sa baha. Ang kagubatan ay nag-aalay sa atin hindi lamang ng proteksyon, kundi mga ecosystem services gaya ng pagbibigay pagkain at pati na rin recreational experiences, ayon sa DENR. Ang kagubatan ay naglilinis ng hangin. Sila din ay mahalaga sa biological conservation at environmental protection, at natural na tahanan ng mga halaman at hayop. Ayon naman sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), ang kagubatan ay tahanan din ng mga 12 hanggang 15 million na indigenous peoples. Noong 2013, PhP5.26 billion ang nagging kontribusyon ng kagubatan sa ating national gross domestic product (GDP).
Nakakapagtaka, kapanalig, na kahit pa ganito kalaki ang kontribusyon sa ating buhay, patuloy pa rin silang kinakalbo.
Kailangan ng matigil ito. Hindi dapat mawala ang puno sa ating mga bayan at kagubatan. Ang puno ay buhay kapanalig, at kung patuloy tayo sa dating gawi, buhay din natin ang ating kinikitil. Kapanalig, ang ating pamahalaan, simula pa noong 1970s ay may tuloy tuloy na reforestation program. Basa sa datos ng DENR-FMB, ang mga reforested areas sa ating bansa ay lumago mula 1974 hanggang 2013. Ang bulko ng mga reforestation programs ay karga ng pamahalaan. Suportahan natin ito.
Kapanalig, ang bawat kagubatan ay buhay na himala. Ayon nga kay Pope Francis sa kanyang Laudato Si, maari tayong maging halimaw kung iwawaksi natin ang himalang ito. Dinggin natin ang kanyang hamon: If we approach nature and the environment without…openness to awe and wonder, if we no longer speak the language of fraternity and beauty in our relationship with the world, our attitude will be that of masters, consumers, ruthless exploiters, unable to set limits on their immediate needs… Many things have to change course, but it is we human beings above all who need to change.”