Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Baha sa Camarines Sur, aabot pa ng sampung araw bago humupa

SHARE THE TRUTH

 290 total views

Aabot pa sa sampung araw bago tuluyang humupa ang baha sa ilang munisipalidad sa lalawigan ng Camarines Sur na sinalanta ng bagyong Usman.

Ayon kay Father Romulo Castañeda, social action center Director ng Diocese ng Libmanan, sa kasalukuyang ilang bayan pa sa Camarines Sur na nasasakop ng diyosesis ang nanatiling may baha partikular sa Libmanan at Minalabac na hanggang baywang.

“Hanggang beywang pa. Tumaas pa ang tubig kagabi (Jan.2) galing yata sa Albay sa may Rinconada area, kami ang ‘catch basin’. So ‘yan ang situation sa ngayon. Kasi dito sa amin ang exit going to the bay. Nandito na lahat ang tubig. Mula Polangui, Libon, Oas yung tubig nila sa amin mapupunta,” ayon kay Fr. Castañeda.

Nasasakop ng Diocese of Libmanan ang may 11 munisipalidad ng Camarines Sur kabilang dito ang Libmanan, Minalabac, Del GAllego, Ragay, Sipocot, Cabusao, Pamplona, Pasacao, San Fenando at Milaor sa lalawigan ng Camarines Sur.

Inihayag ng pari na tinangka rin nilang pasukin ang Manibalac na hanggang sa bubong ang tubig habang ang mga residente ay nanatili naman sa tabing kalsada.

“Kami po ang una naming ginawa nag-profiling kami. Nag-ikot sa lahat ng towns. Data gathering. Pangalawa nagbigay ng kaunting tulong ang social action, meron kaming naibigay kahit paano. Pero kakarampot kasi ilang araw lang itong pagkain. Ngayon po sa tingin namin it will up take ten days bago bumaba ang tubig. We need clean water, potable water para sa mga tao,” ayon kay Fr. Castañeda.

Sinabi ng Pari na ito na ang pinakamatinding baha na kanilang naranasan na posibleng umabot ng sampung araw bago humupa.

“Nakakalungkot kasi may mga bahay na bubong na lang ang makikita ang mga tao ay nasa mga gilid ng kalsada,” ayon kay Fr. Castañeda.

Ipinaliwanag ng Pari na isa sa naka-contribute sa baha ang pagtataas ng kalsada kaya hindi na makaalis o nai-stuck na ang tubig.

Inihayag ni Father Castañeda na sa mga nakalipas na bagyo umaabot lamang ng tatlong araw nanatili ang baha sa kanilang lugar.

Sa kabuuan base sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) higit sa 40 libong pamilya o katumbas ng may 200 libo katao ang naapektuhan ng bagyong Usman mula sa 12 lalawigan kabilang na ang mga rehiyon ng Bicol, Visayas, Calabarzon at Mimaropa.

Sa Bicol region, may 85 evacuation centers ang itinalaga para sa mga binahang residente.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 29,640 total views

 29,640 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 44,296 total views

 44,296 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 54,411 total views

 54,411 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 63,988 total views

 63,988 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 83,977 total views

 83,977 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Batasang Pambansa, nagbigay pugay sa mga nasawi sa bagyong Kristine

 5,540 total views

 5,540 total views Magnilay, manalangin at magbigay pugay sa alaalang iniwan ng mga nasawi dulot ng Bagyong Kristine. Ito ang paghihimok ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa sambayanang Filipino kasabay na rin proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtatakda ng November 4 bilang National Day of Mourning. Sa nagdaang kalamidad, umaabot sa higit isang daan

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 9,946 total views

 9,946 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Archdiocese of Manila, magsasagawa ng second collection para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 6,232 total views

 6,232 total views Ipinag-utos ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagsasagawa ng second collection sa lahat ng misa sa Sabado, October 26, at Linggo, October 27, bilang tugon sa pangangailangan ng mga biktima ng Bagyong Kristine, kung saan matinding napinsala ang Bicol Region at Quezon Province. Sa Circular No. 2024-75 na inilabas ni Manila Archbishop Jose Cardinal.

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

3 bagyo, inaasahang papasok sa PAR ngayong Agosto

 6,025 total views

 6,025 total views Dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa buwan ng Agosto. Ito ayon kay Chris Perez, assistant weather chief ng Pagasa sa panayam ng Veritas Pilipinas. Hinihikayat ni Perez ang publiko na patuloy na maghanda at tuwinang mag-antabay sa paalala ng Pagasa at lokal na pamahalaan. “Ngayong August

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Ipalaganap ang pagkawanggawa sa mga nasalanta ng kalamidad, panawagan ng Caritas Manila

 4,690 total views

 4,690 total views Ipalaganap ang biyaya ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakawanggawa sa mga biktima ng kalamidad. Ito ang paanyaya ni Caritas Manila executive director Fr. Anton CT Pascual sa publiko kasabay ng panawagan ng tulong para sa mga biktima ng kalamidad lalo sa hilagang Luzon. Ipinaabot din ng pari ang pasasalamat sa lahat ng mga

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Pagtutulungan, hiling ni Cardinal Advincula sa pananalasa ng bagyong Paeng

 3,390 total views

 3,390 total views Sa patuloy na pananalasa ng bagyong Paeng sa malaking bahagi ng bansa, hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mamamayan na patuloy na manalangin para sa kaligtasan ng bawat isa. Hiling din ng Cardinal ang pagtutulungan ng lahat sa mga biktima ng bagyo lalo na sa mga lugar na higit na napinsala.

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

24 parokya sa Diocese of Bangued, apektado ng lindol

 3,253 total views

 3,253 total views Dalawampu’t apat na parokya sa Diocese ng Bangued, Abra ang napinsala sa naganap na 7.3 magnitude na lindol. Ito ang inihayag ni Social Action Director Fr. Jeffrey Bueno ng Diocese of Bangued sa pinsalang idininulot ng lindol sa mga parokya mula sa 27 munisipalidad ng lalawigan. Ayon kay Fr. Bueno, kabilang sa mga

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pag-aalay kapwa at panalangin, hiling ng Caritas Philippines para sa mga napinsala ng lindol

 3,196 total views

 3,196 total views Nagsasagawa na ng assessment ang social action arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa naganap na lindol, Miyerkules ng umaga. Sa kasalukuyan, ibinahagi ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, national director ng CBCP-National Secretariat for Social Action Justice and Peace-NASSA, na kabilang sa mga napinsala ng malakas na pagyanig

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Caritas Manila, naglaan ng P2.5-M para sa mga biktima ng bagyong Odette

 3,029 total views

 3,029 total views Naglaan ng tig-P500,000 ang Caritas Manila bilang paunang tulong sa mga lalawigan na labis na naapektuhan ng bagyong Odette. Kabilang na ang mga diyosesis ng Surigao, Tagbilaran, Cebu, Talibon at Maasin. Ayon kay Fr. Anton CT Pascual-executive director ng Caritas Manila sa kasalukuyan ay inaalam pa ng Caritas ang iba pang mga lugar

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Iligtas ang sambayanang Filipino mula sa malakas na ulan, lindol at pandemya

 3,115 total views

 3,115 total views Ito ang panalangin ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo kaugnay sa magkakasunod na kalamidad na nararanasan sa bansa. Ipinagdarasal ng Obispo na gawaran ng Panginoon ang bawat isa ng lakas ng loob upang matapang na harapin ang mga pagsubok nang may pag-asa. “Nawa’y samahan N’yo kami sa aming paglalakbay at bigyan N’yo kami

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Basura at river reclamation, itinuturong dahilan ng pagbaha sa Maasin city

 3,165 total views

 3,165 total views Basura at river reclamations ang maaring dahilan ng mataas na pagbaha sa Maasin City makaraan ang pananalasa ng bagyong Dante. Ayon kay Fr. Harlem Gozo, Social Action Director ng Diocese of Maasin, kumitid ang daluyan ng mga tubig dahil na rin sa reclamation at pagpapagawa ng riprap sa mga ilog. At dulot ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Kumilos, laban sa banta ng mas matinding pagbaha

 3,264 total views

 3,264 total views Patuloy ang pagiging abala ng simbahan na pinangungunahan ng Anak ni Inang Daigdig sa pagtatanim ng puno ng kawayan sa mga river banks sa lalawigan ng Rizal. Ayon kay Fr. Ben Beltran founder ng Anak ni Inang Daigdig, layunin ng programa ay upang labanan ang matinding epekto ng pagbaha na ang pangunahing mga

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pope Francis, nagpaabot ng panalangin sa mga biktima ng kalamidad sa Pilipinas

 3,191 total views

 3,191 total views Ipinapaabot ng kaniyang Kabanalan Francisco ang panalangin sa Pilipinas lalu na sa mamamayan na labis na nagdurusa dulot ng magakasunod na pananalasa ng bagyo sa bansa. Pinangunahan din ng Santo Papa ang pagdarasal para sa mga nasalanta sa ginanap na Angelus sa Vatican. “I am near in prayer to the dear people of

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

5-milyong piso, tulong pinansiyal ng Caritas Manila sa 5-Diyosesis na sinalanta ng bagyo

 3,061 total views

 3,061 total views Naglaan ng tig-isang milyong piso ang Caritas Manila sa bawat diyosesis na labis na nasalanta ng nagdaang Super Typhoon Rolly. Ito ang inihayag ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila kasabay na rin ng pahayag ng pagtugon naman sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses. Ayon sa pari, tuloy-tuloy pa rin

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Pagbabayanihan, kailangan sa magkasunod na pananalasa ng bagyo sa bansa

 3,046 total views

 3,046 total views Nagpaabot ng panalangin ang Archdiocese of Manila sa mga biktima ng bagyong Ulysses na nanalasa sa Metro Manila at ilang mga lalawigan sa Luzon na nagdulot ng malawakang pagbaha. Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, higit kailanman ay kinakailangan sa ngayon na ipalaganap ang pagkakaisa at pagtutulungan sa kabila ng magkakasunod

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top