180 total views
Ito ang mensahe ni Pope Francis na ipinahatid sa pamamgitan ni Papal Legate Philippe Cardinal Barbarin, D.D. Archbishop of Lyon, France sa mga delegado sa 4th World Apostolic Congress on Mercy.
Ayon kay Cardinal Barbarin, ang layunin ng WACOM ay upang maihatid ang habag at awa ng Panginoon sa mga lugar na higit na nangangailangan.
Dagdag pa ng Papal Legate si Pope Francis ay may natatanging pagmamahal sa Pilipinas kaya nito napiling ganapin ang 4th WACOM sa bansa.
“For this congress the idea is to happen in place where the mercy of God is really awaited to insituate and there is this attention of the Pope with the really [great] care of the pope for the Filipino People, so there will be conferences and times of prayer and celebration but also moments to go to the poor,” pahayag ni Cardinal Barbarin sa Radio Veritas.
Dagdag pa rito, nais ding muling ipadama ni Cardinal Barbarin ang pagmamahal ng Santo Papa sa pamamagitan ng pagbisita mga street children sa Tulay ng Kabataan Foundation.
“For that I would like to be my presence really like the presence of the pope among children as when the pope came and was in the midst of the Filipino people.” dagdag pa ni Cardinal Barbarin.
Enero 2015, dumalaw ang Santo Papa sa bansa at tinungo ang Tulay ng Kabataan Foundation sa Manila bagama’t hindi ito bahagi ng kaniyang itinerary.
Ipinagdasal din ng Cardinal na nawa ay mapuno ng awa at pagmamahal ng Diyos ang bawat Filipino.
“In one word I wish really all the mercy of God the Father for all the Children of the Philippines,” pahayag ng Cardinal sa Radyo Veritas.
Taong 2008 ginanap ang kauna-unahang WACOM sa Vatican, sa Roma na dinaluhan ng mahigit 4,000 delegado.
Ngayong taon, sa ilalim ng temang Communion in Mercy, Mission for Mercy, tinatayang aabot sa mahigit 5,000 katoliko ang mananalangin at magninilay sa awa at habag ng Panginoong Hesus.