Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bakit mahalaga ang malayang media?

SHARE THE TRUTH

 1,701 total views

Mga Kapanalig, mahalagang haligi ng demokrasya ang pagkakaroon ng isang malayang media. Kapag malaya ang mga taong naghahatid sa atin ng balita at mahalagang impormasyon tungkol sa mga ginagawa ng mga nasa poder, higit nating napananagot ang mga namumuno sa atin. Kaya ganoon na lang ang pagkabahala ng mga may pagpapahalaga sa kalayaan sa pamamahayag o press freedom sa pag-aresto noong nakaraang linggo kay Maria Ressa, kilalang mamamahayag na nagtatag ng media firm na Rappler.

Mahirap ituring na isang pangkaraniwang kaso ng pagpapairal ng batas, gaya ng sinasabi ng gobyerno, ang pag-aresto kay Maria Ressa. Lubhang maraming di-pangkaraniwan sa naganap na pagbuhay sa isang lumang kasong matagal nang na-dismiss ng korte, at hindi man lamang si Ressa ang sumulat ng artikulong di-umano’y nakagawa ng cyber-libel. Sapagkat kilaláng mapanuri at makatotohanan sa kanilang mga inilalathala si Ressa at ang Rappler, itinuturing ng ilang grupo ang pag-aresto kay Ressa na isang pagtatangkang supilin ang malayang pamamahayag, lalo na sa pagpapahayag ng mapanuri at kritikal na mga pananaw na salungat sa kagustuhan ng kasalukuyang administrasyon. Kilala rin si Ressa na nagsasaliksik at nagbabantay sa paglaganap sa social media ng mga fake news. Tumutulong ang kanyang ginagawa na labanan ang paglaganap ng kasinungalingan sa social media na itinuturing ngayong isang malaking banta sa ating demokrasya. Hindi ikinatutuwa ng mga nagpapalaganap ng kasinungalingan ang ginagawa ng Rappler. Sa nangyayaring tila panggigipit sa Rappler at kay Ressa, maari ngang itanong kung tunay nga bang ang interes ng publiko at ng nakararami ang natutulungan.

Kinikilala ng ating Simbahan ang karapatan ng anumang lipunan sa impormasyong nababatay sa katotohanan, kalayaan, katarungan, at pakikipagkapwa. Kaya itinuturing ng Simbahang mahalaga ang malayang media sa pagpapaunlad ng sangkatauhan sa iba’t ibang larangan ng ekonomiya, pulitika, kultura, edukasyon, at pananampalataya. May ilang panuntunan ang Simbahan ng mabuting media. Una ay kung tumutulong ito sa ikabubuti ng tao. Ikalawa ay kung natutulungan nitong maging higit na maláy ang mga tao sa kanilang dignidad. Ikatlo ay kung nakatutulong ito sa espiritwal na pagtubo ng mga tao. At ikaapat ay kung pinauunlad nito ang kabukasan at pananagutan ng mga tao sa isa’t isa, lalo na para sa mga dukha at mahina sa lipunan.

Ang mga mamamahayag na gumaganap sa mga panuntunang nabanggit ay marapat lamang na pinoprotektahan ng pamahalaan. Hindi sila dapat pinahihirapan, hindi sila dapat ginigipit. Katuwang sila ng pamahalaan sa pagsusulong at pagpapaunlad ng kagalingan ng nakararami. Ang pagpapahayag at pagpapalaganap ng katotohanan lamang ang tunay na magsasanggalang sa mga mamamayan laban sa pang-aabuso ng mga namumuno. Ito ang dahilan kung bakit kailangang protektahan ang kalayaan ng mga mamamahayag. Sa malayang pamamahayag, masusuri rin kung totoo o hindi ang nakararating na impormasyon sa publiko; tinatawag ito ngayong fact-checking. Kung wala ang ganitong mga nagsusuri ng katotohanan sa pagpapahayag, malilinlang ang marami sa atin ng mga maling impormasyon, bagay na napakalaganap ngayon.

Malinaw na ang pagkakaroon ng mga mapagkakatiwalaang mamamahayag ay sandigan ng isang lipunang pinahahalagahan ang katotohanan. Kung mahalaga sa mga mamamayan ang katotohanan, ipagtatanggol nila ang mga mamamahayag na nagsasabi ng katotohanan. Kung dahan-dahang susupilin ang kalayaang magpahayag, madali na ring supilin ang iba pang mga kalayaan dahil kung wala nang nagpapaalám sa mga mamamayan ng tunay na mga kaganapan, paano pa natin malalaman kung may mga nagaganap na ngang mali o paglapastangan sa iba pa nating kalayaan?

Mga Kapanalig, tunay ngang nakababahala kung mababalot ng pagkatakot ang mga mamamahayag. Ito ang nais na mangyari ng mga kaaway ng katotohanan: ang matakot ang mga taong ibunyag at ipagtanggol ang katotohanan. Ang tanong na lamang marahil sa atin: ano ang handa nating gawin para sa katotohanan?

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 43,239 total views

 43,239 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 54,314 total views

 54,314 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 60,647 total views

 60,647 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 65,261 total views

 65,261 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 66,822 total views

 66,822 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘No permit, no exam’, bawal na

 99,433 total views

 99,433 total views Mga Kapanalig, ang pag-aaral ng mga bata ang isa sa mga laging naisasakripisyo kapag dumaranas ng problemang pinansyal ang isang pamilya. Kapag nawalan ng trabaho ang pangunahing naghahanapbuhay sa pamilya o may matinding sakit na dumapo sa isang kamag-anak, nagiging paraan ang pagpapatigil sa pag-aaral ng mga estudyante upang makaraos. Masakit ito sa

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

U-turn sa giyera kontra droga?

 87,490 total views

 87,490 total views Mga Kapanalig, sa kanyang pagbisita sa Germany kamakalian, ipinagmalaki ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na ibang-iba na ang direksyon at estratehiya ng kanyang administrasyon sa pagsugpo sa paglaganap ng ipinagbabawal na droga sa ating bansa. Sinabi ng pangulo na sa loob ng magdadalawang taon niyang panunungkulan, ang kampanya ng gobyerno kontra droga ay

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iresponsableng turismo

 108,093 total views

 108,093 total views Mga Kapanalig, para sa marami nating kababayan, ang Semana Santa ay panahon ng pagpapahinga at pagbabakasyon kasama ang pamilya o mga kaibigan. Kasama ba kayo sa kanila? Naisip n’yo bang pumasyal sa probinsya ng Bohol para mapuntahan ang pamosong Chocolate Hills?  Siguradong nabalitaan ninyo ang kontrobersyal na resort na itinayo sa paanan ng

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate Justice

 1,459 total views

 1,459 total views Kapanalig, kada taon,  mula sa unang araw ng Setyembre hanggang sa ika-apat na araw ng Oktubre, na kapistahan ni St. Francis of Assisi, ipinagdiriwang ng Simbahan ang “Season of Creation.” Marahil marami sa inyo ang hindi nakaka-alam nito, at mas kilala pa ang Ghost Month. Ang Season of Creation ay panahon upang ating

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabuluhang Tulong para sa ating mga Maliit na Mangingisda

 1,497 total views

 1,497 total views Isa sa mga pinakamahirap na sektor sa ating bayan ay ang mga mangingisda, partikular na ang mga maliliit o artisanal fishers ng ating bayan. Tinatayang nasa 30.6% ang poverty incidence sa kanilang hanay. Pinaka-mataas ito sa ating bayan. Talagang hikahos sa kanilang hanay, kapanalig, lalo’t palakas ng palakas ang epekto ng pagbabago ng klima, sabay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teknolohiya at Inklusibong Sistemang Pang-pinansyal

 1,565 total views

 1,565 total views   Kapanalig, dahil sa pandemya, biglaan at agarang nagshift o lumipat ang mga tao sa online banking at payment schemes. Ang kalakalan sa bansa ay nagbago na. pati palengke, online na rin. Kaya lamang, ang pangyayaring ito ay nagpakita na malawak pang digital divide sa ating bansa. Kailangan natin masiguro na inklusibo ang

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Enerhiya at Kaunlaran

 1,452 total views

 1,452 total views Kapanalig, malaki ang bahagi ng enerhiya sa kaunlaran ng kahit anong bayan. Ang sektor ng enerhiya ay napakahalaga hindi lamang sa dami ng trabaho na nalilikha nito, kundi dahil ang enerhiya ang nagpapatakbo ng maraming mga operasyon sa iba ibang industriya at sektor sa buong mundo. Ang enerhiya rin ang nagbibigay kuryente sa

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tama ba ang iyong mga pinili?

 1,498 total views

 1,498 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang taon sa araw na ito nang piliin natin ang mga taong nais nating manungkulan sa pamahalaan. Kung nanalo ang iyong mga ibinoto, masasabi mo bang tama ang iyong mga pinili? Malapit na ring mag-isang taon sa gobyerno ang mga nanalo sa halalan, at magandang pagkakataon ito upang suriin natin

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Magsasaka

 3,130 total views

 3,130 total views Kapanalig, ang ating bansa ay isang agricultural country. Kahit pa bumababa ang kontribusyon ng agriculture sa ating ekonomiya, hindi natin matatatwa na napakarami pa rin ang naka-asa sa sektor na ito. Hindi lamang manggagawa kapanalig, kundi tayo. Ang ating food security ay nakakasalalay sa agricultural sector. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), binubuo

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kritikal na pag-iisip sa kritikal na panahon

 2,228 total views

 2,228 total views Kritikal na pag-iisip sa kritikal na panahon Mga Kapanalig, ngayon po ay World Press Freedom Day, at ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Critical Minds for Critical Times.” Nais bigyang-tuon ng UNESCO ang papel ng media sa pagsusulong ng isang lipunang mapayapa, makatarungan, at walang isinasantabi. Sa tulong ng teknolohiya, nalampasan na

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Limandaang Taong Kristyanismo sa Pilipinas

 1,409 total views

 1,409 total views Tayo ay mapalad, kapanalig. Bahagi tayo ng isang dakilang tradisyon: ang Kristyanismo. Sa darating na 2021, ating gugunitain ang ika-500 anibersaryo nito sa ating bansa.   Sa gitna ng lahat ng pagbabago sa ating mundo, sa loob ng ilang daang taon, ang kristyanismo ay namayagpag at umiral ng lubusan sa ating bansa.  Maraming

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top