2,374 total views
Salapi ang nakikitang dahilan ni Dr. Dolly Octaviano, President ng Doctors for Life Philippines kung bakit patuloy ang pagsusulong sa paggamit ng mga bakuna.
Ayon kay Dr. Octaviano, pinalalaganap ito hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba pang mga bansa upang lumawak ang kita ng mga nasa likod ng lumilikha ng mga bakuna para sa iba’t ibang uri ng karamdaman.
Dagdag pa ng Doktor, isa rin sa nakikita nitong dahilan sa malawak na pagbibigay ng bakuna ay ang layunin na makontrol ang populasyon sa mundo.
Aniya, mayroong nilalamang elemento ang mga bakuna na pumipigil upang magbuntis ang isang babae, o di kaya ay nagpapahina sa batang nasa sinapupunan ng isang magulang.
“Parang ang primary na concern nila is money, financial returns because they lobby the government all throughout the world to make it mandatory. Primarily I could tell that the primary instigator of all this massive program is profit. Number two together with the profit is population control,” bahagi ng pahayag ni Dr. Octaviano sa
Radio Veritas.
Matatandaang nitong ika-7 ng Agosto sinimulan ng Department of Health ang pagpapalawak sa kanilang Anti-cervical Cancer campaign kung saan inilunsad ng ahensya ang libreng bakuna sa 180 mga estudyante mula sa Hills Integrated School sa Mandaluyong City.
Target ng DOH na bigyan ng bakuna o Human Papillomavirus Immunization na pangontra sa cervical cancer
ang mga batang babae na may edad 9 hanggang 12 mula sa 47 mga lalawigan sa buong bansa na tinatayang aabot
sa 700,000 mga mag-aaral.
Ngayong 2017 naglaan ang DOH ng P650-milyong pisong budget para sa HPV vaccine, habang P400-milyon naman ang nakalaan sa taong 2018.
Ayon sa katuruan ng Simbahan tungkulin ng pamahalaan na gawin ang lahat ng makabubuti sa kapakanan
ng mamamayan lalo na sa kalusugan ng taumbayan.
Gayunman, ipinaalala ng Vatican na ang paggamit sa mga bakuna partikular na ang pinagmulang cells ng mga bakuna ay kinakailangang matiyak na hindi makasasama sa kalusugan ng tao.