Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 327 total views

Homiliya Para sa Linggo ng Pentekostes, Ika-5 ng Hunyo 2022, Juan 20:

Napakadalas ng mga sunog dito sa amin sa tatlong siyudad ng Caloocan, Malabon at Navotas. Kaya sanay na sanay kaming makarinig ng mga sirena ng bumbero. Pinakamadalas na masunugan ang sa mga looban ng mga kabahayan, lalo na ng mga informal settlers. At ang bilis kumalat dahil hindi makapasok ang mga bumbero. Bukod sa makikitid ang mga eskinita punong puno pa ng mga sasakyan na nakaparada. Kaya minsan, minabuti kong pag-aralan ang first aid instructions mula sa mga fire departments para maintindihan kung ano ang dapat tandaan ng mga tao para sa kanilang kaligtasan pag may sunog.

Ang pinakamadalas palang ikamatay ng mga nasusunugan ay hindi naman ang sunog mismo. Madalas marami pa palang pwedeng gawin para maligtas. Ang madalas ikamatay ng mga nasusunugan ay ang usok at biglang pagnipis ng hangin dahil sa kapal ng usok. Nagiging dahilan ito ng pagkahimatay, kaya hindi na makalabas ang tao sa bahay o building na nasusunog kahit malayo pa sa kanya ang sunog.

Ang unang dapat daw na tandaan kapag mausok na ay ang dumapa at gumapang papalabas. Ang usok daw pala ay nasa ibabaw at ang hangin ay nasa ilalim nito, mga ilang dangkal sa ibabaw ng sahig. Kaya kung gagapang ang tao makakahinga pa rin siya at mas may tsansa pa siya para makalabas.

Sa araw na ito ng Pentekostes, parang ito ang eksenang pumapasok sa isip ko sa ginawa ni Hesus sa mga alagad. Para bang nasa gitna sila ng sunog pero dahil sa takot, imbes na lumabas, nagkulong sila sa loob. Isa pang dahilan ito ng pagkapahamak ng marami sa gitna ng sunog, kapag naunahan ang tao ng nerbyos at pagkalito dahil sa panic.

Kaya pala ang unang bati ni Hesus ay PEACE BE WITH YOU! KAPAYAPAAN. Para siyang bumbero na nakapasok sa bahay na nasusunog. Nang makita daw siya ng mga alagad, sila ay labis na natuwa. Sino bang nasusunugan ang hindi matutuwang makita ang bumberong magliligtas sa kanya? At ang unang ginawa daw niya matapos na sabihan silang mapakalma ay HININGAHAN sila. Parang ang iniimagine ko ang isang medic na may dalang oxygen mask na itatakip sa ilong at bibig para makahinga ang kanyang nililigtas. Pero syempre, sa sunog delikadong pumutok ang oxygen tank, kaya, mas mabuti dumapa na lang at gumapang papalabas. Magandang simbolo ng pagpapakumbaba.

Talagang malaki ang nagagawa ng pagpapakumbaba sa tao, sa gitna ng mga trahedya sa buhay. Mas mabilis pumasok ang hangin ng Espiritu Santo sa mga taong marunong dumapa at gumapang upang makahinga nang maluwag.

Sa panahon natin kahit walang sunog, sa tindi ng polusyon na dulot ng tao sa hangin dahil sa carbon emission na epekto ng pagsunog ng fossil fuels panipis nang panipis ang hangin na ating hinihinga. Baka dumating ang panahon hindi lang surgical masks ang susuutin natin kundi plastic masks na nakakabit sa tangke ng oxygen.

Pero ang araw na ito ng Pentekostes ay nagpapaalala sa atin na kung matindi ang pisikal na polusyon na dulot ng kapabayaan natin sa kapaligiran, di hamak na mas matindi ang espiritwal na polusyon sa ating lipunan. Mga toxic na pag-iisip at damdamin na nagdudulot ng mga takot, pangamba, at mga pagdududa. Mga nakalalason na salita at palitan ng comments sa social media, ang malaganap na disimpormasyon at mga pagkakalat na espiritwal na basura sa digital space.

Kapag hinayaan talaga nating masunog ang daigdig at mapuno ng usok ng kasinungalingan at panlilinlang, kapag tuluyan na tayong mawalan ng tiwala sa isa’t isa, talagang trahedya ang kahihinatnan nating lahat.

Ang Espiritu Santo ay ang ating spiritual oxygen na siya lamang magliligtas sa atin sa pagkahimatay sa mga sunog na hinaharap natin sa ating buhay. Para bang inuulit ng Diyos sa Pentekostes ang paglikha sa tao. Kung paanong hiningahan niya noong simula ang putik na si Adan upang mabuhay siya bilang tao, gayundin, hiningahan tayo ng Anak ng Diyos upang makiisa sa kanyang pagkabuhay—lalo na kapag napapaikutan na tayo ng makapal na usok ng masamang Espiritu.

Isa daw sa pinakaunang dulot ng Espiritu Santo sa tao ayon sa ebanghelyo ay ang kakayahang MAGPATAWAD at HUMINGI NG TAWAD. Nakakasikip nga naman ng dibdib ang mga galit at hinanakit. Ibig mong gumanti. Parang di ka matahimik hangga’t hindi mo naipapalasap ang pait na pinalasap sa iyo ng mga may atraso sa iyo.

Sasamantalahin ka pa ng mga negosyanteng nagbebenta ng armas—para papaniwalaan ka na walang magbibigay ng kapayapaan sa iyo kundi baril, katulad ng nangyayari ngayon sa Amerika, at katulad din ng nangyayari sa Europa dahil sa ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine. Bumabalik na naman ang cold war, tagisan ng lakas militar at sandatang nuclear.

Hindi tayo magkakaroon ng tunay na kapayapaan sa mundo kapag nagsara na tayo ng isip at puso sa isa’t isa. Binabaan daw ng Espiritu ang mga alagad ng mga dilang apoy. Matalinghaga ito. Isang palaisipan. Ibig sabihin, kailangan natin matutunan ang linggwahe ng Diyos, linggwaheng matuturo sa atin na makinig, makiramdam, umunawa at magpaliwanag.

May isang lumang kanta tungkol sa Espiritu Santo na angkop na gamitin bilang conclusion para dito sa ating Pentecost reflection:

“Breathe on us, Breath of God, fill us with life anew, that we may love the way you love, and do what you would do.”

“Hingahan mo kami, hininga ng Diyos, punuin mo kami ng bagong buhay, nang kami’y matutong magmahal kung paano mo kami minahal, at gumawa ng ibig mong gawin.”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 49,115 total views

 49,115 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 60,190 total views

 60,190 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 66,523 total views

 66,523 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 71,137 total views

 71,137 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 72,698 total views

 72,698 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 6,380 total views

 6,380 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 8,510 total views

 8,510 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 8,509 total views

 8,509 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 8,511 total views

 8,511 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 8,507 total views

 8,507 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 9,378 total views

 9,378 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 11,580 total views

 11,580 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 11,613 total views

 11,613 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 12,967 total views

 12,967 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,064 total views

 14,064 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 18,273 total views

 18,273 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 13,992 total views

 13,992 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 15,361 total views

 15,361 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 15,622 total views

 15,622 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 24,315 total views

 24,315 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top