202 total views
Ito ang iniyahag ni Sr. Crescencia Lucero – Board of Trustees ng Task Force Detainees of the Philippines at AMRSP- National Justice, Peace and Integrity of Creation Commission Coordinator upang matiyak ang kapakanan at seguridad ng bawat mamamayan sa pagsapit ng halalan.
Aniya, ang kalayaan sa pagboto o pumili at maghalal ng karapat-dapat na lider ng bayan batay sa sariling konsensya at paninindigan ay bahagi ng karapatan ng bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa.
Kaugnay nito, opisyal nang nilagdaan ng Commission on Elections at Commission on Human Rights ang programang Bantay Karapatan sa Halalan na tututok at magbibigay pansin sa mga karapatang pantao na karaniwang naisasantabi tuwing panahon ng eleksyon.
Layon ng programa na mas maging malawak ang pagtingin ng taumbayan sa mga usapin ng halalan kasabay ng pagpapalakas sa seguridad at kaligtasan ng bawat mamamayan tuwing sasapit ang eleksyon.
Ika-10 ng Enero ng sinimulang ipatupad ng Comelec sa pangunguna ng Philippine National Police ang Election Gun Ban na magtatagal hanggang sa ika-8 ng Hunyo o isang buwan matapos ang eleksyon.
Sa tala ng PNP noong 2013, umabot sa 81 ang kaso ng election-related violence sa buong bansa mas mababa kumapara 176 na kaso ng karahasan kaugnay ng halalan noong 2010.
Batay sa panlipunang Katuruan ng Simbahan, ang pagpapahalaga sa kalayaan ng bawat isa sa pagpapahayag ng sariling opiyon at pagdedesisyon ay nararapat tupdin at hindi pigilan sa anu pa mang pamamaraan pagkat ito ay bahagi ng karapatang pantao ng bawat mamamayan sa lipunan.