Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 78,383 total views

Mga Kapanalig, sa isang editoryal pagkatapos ng Pasko, tinalakay natin ang pagtutulak ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Charter change o Cha-cha. Mismong si House Speaker Martin Romualdez ang nagsabing pag-aaralan nila ang pag-amyenda sa ating Saligang Batas habang nakabasyon. Ang mga pagbabago raw na gusto nilang isulong ay may kinalaman sa mga economic provisions, partikular na ang pagpapaluwag sa mga restrictions sa foreign investments.

Pero dahil hindi ganoon kalakas ang suporta ng mga senador sa mga panukalang amyendahan ang ating Konstitusyon, sinabi ng mga mambabatas na magsasagawa sila ng people’s initiative para umusad ang Cha-cha. Sa people’s initiative, layunin ng mga mambabatas na makakuha ng mga pirmang magpapatunay na pabor daw ang mga Pilipinong magkasamang bumoto ang dalawang kapulungan—ang ating mga kongresista at mga senador—sa mga panukalang batas na may kinalaman sa Cha-cha. Kung magkahiwalay daw kasi ang dalawa, matatalo ang 315 mga kongresista kung kokontrahin sila ng 24 na mga senador. Kung iisa lamang silang boboto, tiyak na lalamàng ang mga kongresistang tila sabik na sabik na baguhin ang Saligang Batas.

At nitong mga nakaraang linggo, umarangkada na nga ang pangangampanya ng mga kongresista upang makakalap ng mga pirma. Ibinunyag ni Congressman Edcel Lagman ng unang distrito ng Albay na ibinagsak na sa mga mayor ang tinatawag na “mobilization funds”. Gagamitin daw iyon upang bayaran ng isandaang piso ang bawat constituent nilang pipirma sa petisyong magbibigay sa dalawang kapulungan ng Kongreso ng kapangyarihang bumoto bilang isa. Minimum na 3% kasi ng bawat distrito ang kailangang pumirma sa isang people’s initiative campaign. Gaya ng inaasahan, itinanggi ng mga isinasangkot na kongresista ang impormasyong natanggap at isiniwalat ni Congressman Lagman. Maging si Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel ay nakatanggap ng balitang may ikinakalat na petisyon sa mga barangay. Sa sigasig ng mga kongresistang iratsada ang Cha-cha, itinanong niya tuloy kung kaninong inisyatibo ba talaga ang Cha-cha. Duda siyang galing ito sa taumbayan. Mukhang politicians’ initiative ang nangyayari.

Kapansin-pansin din ang paglabas ng isang patalastas sa TV kamakailan kung saan tila sinisisi ang ating Konstitusyon sa pagtigil daw ng ating pag-asenso. Dahil daw dito, hindi tayo nagkaroon ng edukasyong de-kalidad. Pinayaman din daw ng Konstitusyon ang mga negosyante, at naghari ang mga monopolyo. Dapat na raw ayusin at itama ang “hindi patas” na Saligang Batas ng 1987. Isang law firm ang nagpakilalang nagbayad para sa patalastas na ito.

Nakalulungkot na ganito kababa ang tingin ng mga nagsusulong ng Cha-cha sa ating mga kababayan. Para sa isang pirma, isandaang piso ang kapalit. Para sa isang seryosong isyu, maling impormasyon at propaganda ang inihahain. Ayaw na nilang pag-isipin ang mga Pilipino. Ayaw nilang bigyan ng pagkakataon ang malalim na talakayan. Ayaw nilang magkaroon ng matalinong pag-uusap tungkol sa pagbabago ng kataas-taasang batas ng bansa.

Huwag natin hayaang mangyari ang mga ito. Hadlang ang mga ito sa ating tungkuling lumahok sa buhay ng ating lipunan, bagay na binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan. “Participation is a duty to be fulfilled consciously by all, with responsibility and with a view to the common good.” Hindi natin natutupad ang tungkuling ito kung sa maliit na halaga ng pera ay sumasang-ayon na lang tayo sa gustong mangyari ng iba. Walang saysay ang ating pakikilahok kung hahayaan natin ang ating sariling maloko ng propaganda at kung tayo rin ay nagpapakalat ng mapanlilang na impormasyon.

Mga Kapanalig, gaya ng paalala ni San Pablo sa Efeso 5:6, “Huwag kayong padaya kaninuman.” Unawain nating mabuti ang Cha-cha. Tanungin pa natin ang mga nagsusulong nito. Alamin ang tunay nilang motibasyon. Magsuri at magbantay.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagbabalik ng pork barrel?

 4,503 total views

 4,503 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »

Mag-ingat sa fake news

 10,302 total views

 10,302 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »

Malalim Na Debosyon Kay Jesus Nazareno

 28,861 total views

 28,861 total views Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino. Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus

Read More »

Sss Premium Hike

 42,092 total views

 42,092 total views Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan. Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas. Dahilan ng kahirapan

Read More »

3 Planetary Crisis

 48,233 total views

 48,233 total views Kapanalig, tayo ay binigyan ng panginoon ng napakahalagang tungkulin… Ito ay upang pangalagaan at protektahan ang sangnilikha, nararapat tayong maging responsable at magiging katiwala ng panginoon ng sangnilikha… ang ating nag-iisang tahanan, ang nagbibigay sa ating mga tao ng buhay at kabuhayan. Gayunman, tayo ay naging pabaya, tayo ay naging mapagsamantala… tayo ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagbabalik ng pork barrel?

 4,504 total views

 4,504 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mag-ingat sa fake news

 10,303 total views

 10,303 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malalim Na Debosyon Kay Jesus Nazareno

 28,862 total views

 28,862 total views Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino. Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sss Premium Hike

 42,093 total views

 42,093 total views Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan. Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas. Dahilan ng kahirapan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

3 Planetary Crisis

 48,234 total views

 48,234 total views Kapanalig, tayo ay binigyan ng panginoon ng napakahalagang tungkulin… Ito ay upang pangalagaan at protektahan ang sangnilikha, nararapat tayong maging responsable at magiging katiwala ng panginoon ng sangnilikha… ang ating nag-iisang tahanan, ang nagbibigay sa ating mga tao ng buhay at kabuhayan. Gayunman, tayo ay naging pabaya, tayo ay naging mapagsamantala… tayo ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang Generation Beta

 53,045 total views

 53,045 total views Mga Kapanalig, ang mga isisilang simula ngayong 2025 hanggang 2039 ay kabilang na sa bagong henerasyon na kung tawagin ay Generation Beta.  Sinusundan nila ang mga Gen Alpha na ngayon ay edad 15 pababa (o mga ipinanganak umpisa 2010) at ang mga Gen Z na nasa pagitan ng 16 at 30 taong gulang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malusog na bagong taon

 54,444 total views

 54,444 total views Mga Kapanalig, isang linggo na tayong nasa bagong taon.  Anu-ano ang inyong new year’s resolution? Kasama ba ang pagda-diet at pagkain ng mas masustansya, pag-e-exercise o pagpunta sa gym, o pag-iipon ng pera? Anuman ang inyong resolution, sana ay nagagawa pa ninyo ito at hindi pa naibabaon sa limot. Kung may isang mainam

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Polusyon sa bagong taon

 52,787 total views

 52,787 total views Mga Kapanalig, hudyat ang bawat bagong taon ng pagsisimula ng sana ay mas mabuting pagbabago para sa ating sarili. Pero hindi ito ang kaso para sa ating kapaligiran. Nitong unang araw ng 2025, pagkatapos ng mga pagdiriwang, inilarawan ng IQAir bilang “unhealthy” ang kalidad ng hangin sa Metro Manila. Ang IQAir ay isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The End Of Pork Barrel

 61,429 total views

 61,429 total views Kapanalig, noong 2013 winakasan na ng Supreme Court ang paglustay ng mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan sa pera ng taumbayan nang ideklara na iligal at unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o sinasabing congressional pork barrel. Pero hindi pa dead, tuloy-tuloy ang biyaya ng pork barrel Kapanalig, ang pork barrel system

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paasa At Palaasa

 70,989 total views

 70,989 total views Kapanalig, 2025 na., isa kaba sa mga taong nagtataglay ng ugaling ito? Tuwing papasok ang bagong taon, tayong mga tao ay maraming gustong baguhin sa sarili…mga ugaling hindi kanais-nais, pisikal na kaanyuan, pakikitungo sa kapwa… kaaya-aya sana kung unang-una ang pagpapatawad. Kapanalig, ano ang mga “To do list” mo ngayong 2025? Kapanalig, napahalaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

New year’s resolution para sa bayan

 90,952 total views

 90,952 total views Happy new year, mga Kapanalig! May mga new year’s resolutions ba kayo? Anumang pagbabago ang nais ninyong simulan, sana ay matupad ninyo ang mga ito. Ano naman ang new year’s resolution mo para sa ating bayan ngayong 2025? Nakakapagod ang nagdaang taon, hindi ba? Naging maingay ang mga namumuno sa ating gobyerno. Nagbatuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

May mangyari kaya?

 110,666 total views

 110,666 total views Mga Kapanalig, kung sinubaybayan ninyo ang labintatlong pagdinig na ginawa ng tinatawag na quad committee (o QuadComm) ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan tungkol sa mga extrajudicial killings (o EJK) kaugnay ng “war on drugs” ng administrasyong Duterte, nanlumo siguro kayo sa dami at bigat ng mga inakusa sa mga sangkot. Humantong ito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kilalanin ang mga haligi ng bayan

 110,637 total views

 110,637 total views Mga Kapanalig, ngayon ay Rizal Day, ang araw kung kailan inialay ng ating pambansang bayani ang kanyang buhay para sa bayan. Sa araw na ito noong 1896, pinatay sa pamamagitan ng firing squad si Gat Jose Rizal sa Bagumbayan o mas kilala ngayon bilang Rizal Park. Pinatawan siya ng parusang kamatayan ng pamahalaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nabibili Ba Tayo?

 67,173 total views

 67,173 total views Kapanalig, bago pa sumapit ang kapaskuhan o advent season ay nagpaparamdam na ang mga kandidato para sa 2025 midterm elections. Maingay na sa social media, laganap na ang adbocacy ads sa mga telebisyon at radio maging sa print media lalu na ang mga nakasabit na tarpaulin. Pinaghahandaan na natin ang midterm election sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

2025 Jubilee

 66,529 total views

 66,529 total views Idineklara ni Pope Francis ang taong 2025 na “Jubilee year” na may temang “Pilgrims of Hope”. Ang Jubilee year ay isang espesyal na taon ng grasya at paglalakbay. Harangin ng Santo Papa na sa Jubilee year ay manaig ang greater sense of global brotherhood at pakikiisa sa mga mahihirap at matutunan ang pangangalaga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top