Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bantayan ang kaban ng bayan

SHARE THE TRUTH

 188 total views

Mga Kapanalig, kakasimula ng isang bagong taon at unti-unti na tayong bumabalik sa ating mga  pang-araw-araw na gawaing kailangang gampanan. Gayundin ang ating pamahalaang magsasagawa na ng iba’t ibang mga pampublikong proyekto, lalo na’t ito ang unang taon na ipatutupad ng bagong administrasyon ang isang pambansang budget na ang gobyerno mismo ni Pangulong Duterte ang gumawa. Ang kabuuang budget para sa taóng 2017 ay umaabot ng 3.35 trilyong piso, mas mataas ng 350 bilyong piso kumpara sa budget ng 2016.

Ayon sa Malacañang, ang budget daw na ito ay walang pork barrel. Matagal nang binabatikos ang pork barrel dahil sa hinalang bahagi ng perang ginugugol sa mga proyektong napopondohan ng pork barrel ay napupunta sa bulsa ng mga mambabatas. Mabuting unawain nating mabuti, mga Kapanalig, kung ano ang panganib sa pork barrel at ano ang maaari nating gawin bilang mga mamamayan.

Kamakailan ay nagpahayag ang isang senador na mayroon pa rin daw pork barrel sa kasalukuyang budget. Aniya, may mga halagang nakapaloob sa budget ng mga ahensya ng gobyerno na nakalaan para sa mga proyektong itatalaga ng mga mambabatas.  Ang sabi pa niya, ang mga proyektong paglalaanan ng mga halagang nakatalaga sa ilang mga mambabatas ay isiningit o idinagdag matapos na napagpasyahan ang budget sa Kongreso at Senado.  Ito ang tinatawag ng mga “congressional insertions” na matagal nang binabatikos at sinabi ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas; samakatuwid, ang mga “congressional insertions” ay hindi dapat ginagawa.

Paliwanag naman ng kalihim ng Department of Budget and Management o DBM: tungkulin ng mga mambabatas ang magtukóy ng mga proyektong karapat-dapat pondohan ng pambansang budget.  Ang hindi lang daw nila maaaring pakialaman ay ang implementasyon ng mga proyekto.

Sa sistemang demokratiko katulad ng sa Pilipinas, pinaghihiwalay ang kapangyarihang magtalaga ng pondo at magpasya kung paano gagamitin ang pondo at ang mismong pagsasakatuparan o implementasyon ng mga proyektong pinaggagamitan ng pondo.  Ang pagtatalaga ng pondo ay nasa lehislatura o sa mga mambabatas, habang ang implementasyon ng mga programa at proyekto ay nasa mga kagawaran sa ilalim ng sangay ng ehekutibo. Mahalaga ring ang mga mambabatas na siyang nagtutukoy ng mga proyektong gugugulan ng pondo ng pamahalaan ay naipagtatanggol nang hayagan kung bakit karapat-dapat pondohan ang nasabing mga proyekto at angkop ang halagang gugugulin para sa kanila. Sa Kongreso ibinibigay ang kapangyarihang magtalaga ng mga proyekto sapagkat dito maaaring gawin ang deliberasyong bukás sa publiko. Mahalagang nabubusisi ito ng mga mamamayan, at kayang panagutan ng mga mambabatas na sa mga iyon nga dapat mapunta ang pera ng taong-bayan.  

Ito ang dahilan, mga Kapanalig, kung bakit maituturing na labag sa batas ang pagdadagdag ng mga proyektong hindi dumaan sa tamang deliberasyon at masusing pagkilatis ng plenaryo ng Kongreso at Senado.

Ang demokratikong prinsipyong ito ay isinusulong at sinasang-ayunan ng mga panlipunang katuruan ng ating Simbahan. Kinikilala ng Santa Iglesia na wasto ang paghahati ng kapangyarihan ng estado, ang pagkakaroon ng “checks and balances”, at ang pagsunod sa batas o “rule of law”. Itinuturo rin ng Simbahan na ang mga institusyong kumakatawan sa mga mamamayan—o “representative bodies”—ay dapat nakikilatis at napapanagot ng mga mamamayan. Ang halalan ay isang paraan ng pagpapanagot sa mga hinalal na mga opisyales, ngunit higit na mabuti kung sa pagitan ng mga halalan ay nakikilatis natin mismo o sa pamamagitan ng ating mga inihalal na mga mambabatas ang pinagkakagastusan ng kaban ng bayan.

Sa pagbubukas ng isang bagong taon, mga Kapanalig, nawa’y maging higit na mapagbantay at may pakialam tayo sa mga desisyon at gawain ng pamahalaan.  Alamin natin mula sa ating mga congressman kung anu-anong proyekto ang nakatalagang isagawa sa ating distrito, at kilatisin natin kung talaga ngang kapakipakinabang ang mga ito. Bantayan nating mabuti ang pinupuntahan ng ibinabayad nating buwis.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 33,900 total views

 33,900 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 48,977 total views

 48,977 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 54,948 total views

 54,948 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 59,131 total views

 59,131 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 68,412 total views

 68,412 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 33,901 total views

 33,901 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 48,978 total views

 48,978 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 54,949 total views

 54,949 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 59,132 total views

 59,132 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 68,413 total views

 68,413 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 50,802 total views

 50,802 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 49,047 total views

 49,047 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 99,355 total views

 99,355 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 108,823 total views

 108,823 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 80,243 total views

 80,243 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 86,502 total views

 86,502 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 100,819 total views

 100,819 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 86,186 total views

 86,186 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 73,777 total views

 73,777 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 86,379 total views

 86,379 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top