222 total views
Bawat opisyal ng barangay ay susi para matagumpay na kampanya laban sa droga.
Ito ang binigyan ni Fr. Francis Gustilo, SDB, vice dean ng Institute of Salesian Studies and Spirituality.
Panawagan ng pari sa bawat mamamayan na makibahagi sa halalang pangbarangay na higit pang mas mahalaga kung ikukumpara sa ‘national elections’.
“If every real barangay captain is able to keep its barangay you know, doing good things commending what is right, we will have a better nation. It’s not the senators or congressman that we have to elect well – it’s the barangay captains that we have to elect properly. Please vote for the barangay in this election.” pahayag ni Father Gustilo.
Binigyan diin ng Pari na ang mga opisyal ng barangay ay makakapagbantay sa mga ‘adik’ lalu’t bahagi din ito ng kanilang komunidad.
“Get the right people, with the true values – they will be the one to monitor drugs in their vicinity. There will be the tanods and it must be a community effort that we that we don’t enter into drugs because drugs is the real madness, it brought down countries,” ayon pa kay Fr. Gustilo.
Si Fr. Gustilo ay isa sa guest speaker sa ginaganap na 3-day 7th National Conference on Catechesis and Religious Education sa De La Salle Manila na may temang “Nurturing an Inclusive Faith: The Role of the Clergy, the Religious and Laity in Transformative Non-Formal and Formal Education.
Nilinaw naman ni Fr. Gustilo ang kaniyang pagtutol sa pagpaslang bilang bahagi ng kampanya laban sa ilegal na droga.
Sa halip ay ang pagtulong at pagkalinga tulad na rin ng mga community based rehabilitation na itinayo ng iba’t ibang simbahan.
Una na ring nag-organisa ang simbahan ng mga community based drug rehabilitation kabilang na dito ang Salubong ng Diocese ng Caloocan; Sanlakbay ng Archdiocese of Manila; HOPE center ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija; ang Labang ng Archdiocese of Cebu at ang Galilee Homes ng Diocese ng Malolos na 27 taon nang nagbibigay ng programa para sa lulong sa masamang bisyo.