Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 34,027 total views

Homiliya para sa Pampitong Araw ng Simbang Gabi, Biyernes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, 22 ng Disyembre 2023, Lk 1:46-56

Ang Magnificat ay isang “Awit ng Pagpapala”. Sino ang pinagpapala ni Mama Mary? Ang Panginoon. Teka, di ba baligtad? Di ba dapat Diyos ang nagpapala at tao ang pinagpapala? Kahapon ito ang pahayag ni Elisabet kay Maria: “Bukod kang pinagpala ka sa babaeng lahat…”. Ang Magnificat ay sagot ni Maria sa pagkilala ni Elisabet sa hatid na pagpapala ng kanyang pagdalaw: hindi ako kundi ang Diyos ang dapat pag-ukulan ng blessing. Siya ang tunay na pinagpala, dahil siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala.

Kaya siguro ang mga Hudyo, sa pagbabasbas ng anumang bagay o tao, ang laging simula ng prayer of blessing ay pagpapala sa Diyos na bukal ng lahat ng biyaya na pinadadaloy niya sa iba sa pamamagitan natin. Sa Hebreo, ganito ang sinasabi nila: “Barukh Attah Adonay Elohenu” (Pagpalain ka O Panginoon naming Diyos). Ang karaniwang opening ng alinmang panalangin ng pagbabasbas o pagpapala sa kahit na ano o sino ay pagkilala muna sa kagandahang loob ng Diyos.

Nasabi ko sa inyo kahapon na mainit na topic ngayon ang salitang BLESSING. Malakas ang negative reaction ng maraming mga kapatid nating Katoliko sa isang “Declaration” mula sa Roma noong nakaraang December 18 tungkol sa Pastoral na Kahulugan ng Blessing. Pwede daw bang “i-bless” ang mga hiwalay sa asawa, diborsiyado o may kinakasamang bakla pag humingi sila nito? Akala nila kasal o sakramento ang tinutukoy na blessing; pakibasa na lang siguro nang mabuti ang nasabing dokumento.

Kung mga alagang aso’t pusa nga, pati sasakyan, mga bolpen at lapis na pang-board exam at mga passport inihihingi natin ng blessing, mga tao pa kaya?

Aaminin ko sa inyo, dahil tao din ako, kung minsan mabigat din ang loob ko na magbigay ng blessing. Halimbawa—kung ang humihingi ng blessing ay isang kumakandidatong pulitiko na may kasama pang taga-media. Nagdududa kasi ako pag ganyan na baka publicity lang talaga ang gusto niya, hindi blessing. Pero nilalabanan ko ang sarili ko. Hindi ko alam ang nasa loob niya, baka sincere naman, sino ako para husgahan siya? Parang duktor din kasi kami. Kahit kalaban hindi mo pwedeng pagkaitan ng kalinga kapag humiling ito.

Kung minsan naman may mga taong umaasta na parang nabibili ang blessing. Sa Bibliya, may kuwento tungkol sa isang mayamang sundalo na nagkasakit na leprosy at inalukan ng ginto at pilak bilang kapalit sa blessing ng propetang si Elisha. (2 Kings 5) Gusto ng sundalo bigyan siya ng importansya at i-pray over siya ng propeta. Bukod sa tinanggihan ng propeta ang alok na ginto at pilak at hindi man lang niya hinarap ang sundalo. Isang instruction lang ang ibinigay ng propeta kung ibig daw ng sundalo na gumaling. Maglublob daw ng pitong beses sa maputik na tubig ng ilog Jordan; iyun na ang blessing. Magwo-walk-out na nga sana ang sundalo. Buti na lang nakinig siya sa batang alipin na nagpayo sa kanya na magpakumbaba at sumunod. Ayun, gumaling.
Talagang di natin alam ang milagrong pwedeng mangyari kahit sa mga arogante at masyadong parang bosing ang dating. Kahit nga ang madaya at mapanlinlang na si Jacob, nakakuha ng blessing sa tatay niyang si Isaac. (Genesis 27) Inagaw niya ang blessing na nakalaan para sa panganay na kapatid niyang si Esau. Aba tinulungan pa siya ng nanay niya para nakawin ang blessing sa kuya niya. (Nananakaw pala ang blessing?)

At meron pa ngang kuwento tungkol sa isang dayuhang propetang si Balaam na kinomisyon ng haring kalaban ng Israel na sumpain ang Israel. Pero imbes na sumpa, pagpapala ang lumalabas na salita sa propeta sa tuwing bubuksan niya ang bibig niya. (Numbers 22)

Sa mga ebanghelyo naman, di ba minsan, humihingi daw ng blessing ang mga nanay para sa mga anak nilang makukulit at sinasaway sila ng mga alagad? Sino ang napagalitan? Hindi ang mga nanay, hindi rin ang mga bata, kundi ang masusungit na alagad. Sabi ni Hesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga batang pinabi-bless ng mga nanay.” (Mark 10:14) Kaya ingat lang sa masusungit; baka mapagalitan ng Panginoon kapag ipinagsungit ang blessing.

Iyung prostitute na naghugas at nagmasahe sa mga paa ni Hesus sa isang kainan—di ba higit pa sa blessing ang nakuha niya kay Hesus? (Luke 7) Pinahagingan pa nga ni Hesus ang Pariseong nanghusga sa babae. Mas matindi daw ang pag-ibig na manggagaling sa taong mas malaki ang kasalanang pinatawad sa kanya. Wow. Oo nga ano, di ba ang basong kulang sa laman—pag mas malaki ang kulang mas malaki ang ipampupuno sa pagkukulang! Big sinners make big lovers.

At iyung babaeng Samaritana (John 4) —lima na daw ang kinasama niyang lalaki at ang pang-anim na ka-live-in niya hindi rin niya asawa. Magandang example ng taong nasa “irregular marital situation.” Siya na nagsungit kay Hesus ng tubig na maiinom, siya pa ang tumanggap ng “buhay na tubig na bumabalong” ng mabuting balita. Sa pamamagitan niya, pinaapaw pa ng Panginoon at pinaagos ang grasya ng mabuting balita sa mga pasaway na Samaritano.

Isa pang halimbawa’y si Zaqueo, ang tax-collector na pandak. (Luke 19) Kulang siya sa sukat, hindi lang sa pisikal kundi pati na rin sa moral. Grabe, ang tindi ng blessing na tinanggap niya matapos na pansinin siya at pababain ni Hesus para makasalo sa hapag-kainan, di ba? Ang taong tiwali at maramot biglang natutong bumitaw at tumalikod sa dating mahigpit niyang kapit sa salapi at natutong magbahagi. Di ba ang tindi ng epekto ng blessing iyon?

Kung nagpadala lang siguro si Jesus angal ng mga Pariseo, baka walang nangyaring pagbabago kay Zaqueo. Si Hesus ay hindi ang tipong magsasabing, “Magbago ka muna kung gusto mong bigyan kita ng blessing.” Binebless muna niya; sumusunod ang pagbabago.

May tatlong examples pa ako: Si Judas Iskariote, ang bandidong katabi ni Hesus sa kalbaryo, at ang babaeng nahuli sa pakikiapid. Si Judas—ang taksil na kaibigan na nagkanulo kay Hesus sa halagang 30 piraso ng pilak. (John 14:30) Taksil, pero binless pa rin siya ni Hesus. Siya ang unang binigyan niya ng kapirasong tinapay sa huling hapunan, bago siya nilamon ng dilim. Ang kriminal naman na kasamang napako rin sa krus sa kalbaryo: ni hindi blessing ang hiniling niya kundi ang maalaala man lang daw siya ni Hesus sa kanyang kaharian. Pero ang tindi ng blessing na tinanggap niya; sinabihan siya ng Panginoon, “Ngayon mismo makakasama mo ako sa paraiso.” (Luke 23:43) Last example, ang babaeng nahuli sa pakikiapid. Sa mga taong nakiisa sa panghuhusga sa babae, at kasamang naghihintay ng hudyat para parusahan siya ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbato, di ba’t sinabi ni Hesus, “Ang walang kasalanan sa inyo ang unang bumato sa babae.” (John 8 ) Sapat na iyon para tumalikod sila at magsi-uwian. May sumikat na kasabihan noon, “Kapag itinuro mo ang hintuturo mo para akusahan ang kapwa, tandaan mo, may tatlong daliring nakaturo sa iyo.”

Kaya magandang paalala ang sabi ng Salmo 130,3-4: “Kung tatandaan mo Panginoon ang lahat ng aming mga pagkakasala, sino ang matitira? ”

Isa sa mga paalala ni Hesus sa mga alagad ay kung ang kaya lang nating mahalin ay ang mababait at karapat-dapat, wala pa daw tayong aasahang gantimpala. Tumulad daw tayo sa mga anak ng Kataas-taasang Diyos na nagpapasikat sa araw sa mabubuti at masasama, at nagpapaulan sa mga matuwid at mga tiwali.” (Matthew 5:45) Sinabi rin niya: Huwag kayong humusga at di kayo mahuhusgahan; huwag kayong humatol at di kayo hahatulan, magpatawad at kayo’y patatawarin, magbigay at kayo’y tatanggap ng siksik, liglig at umaapaw.” (Luke 6:37-38) At pinakamahalaga sa lahat: “Ang panukat ninyo sa kapwa ay ipanunukat din sa inyo.”

Kaya balikan natin ang conclusion kahapon: Mga kapatid, huwag nating ipagkait sa mundong nananabik ang blessing na ito. Ibahagi natin ito sa mundong makasalanan ngunit lubos na minamahal at patuloy niyang tinutubos at pinag-aalayan ng buhay. Ito ang ibig sabihin ng magmisyon—ang maipakilala sa mundo ang kagandahang-loob ng Diyos na inawit ni Maria.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 6,854 total views

 6,854 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 16,969 total views

 16,969 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 26,546 total views

 26,546 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 46,535 total views

 46,535 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 37,639 total views

 37,639 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 6,568 total views

 6,568 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 8,698 total views

 8,698 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 8,697 total views

 8,697 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 8,699 total views

 8,699 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 8,695 total views

 8,695 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 9,566 total views

 9,566 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 11,768 total views

 11,768 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 11,801 total views

 11,801 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,155 total views

 13,155 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,252 total views

 14,252 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 18,460 total views

 18,460 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,179 total views

 14,179 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 15,548 total views

 15,548 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 15,809 total views

 15,809 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 24,502 total views

 24,502 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top