1,584 total views
Nanatiling katanungan at wala pa ring kasagutan ang ugat at solusyon sa lumulubhang kahirapan sa Pilipinas.
Ito ang naging pahayag ni Malaybalay Bishop Jose Cabantan sa survey ng Social Weather Station na 11.5-milyon na pamilyang Filipino ang nasasadlak pa rin sa kahirapan.
Ayon kay Bishop Cabantan, mula ng magsimula ang bagong administrasyon ay isang malaking katanungan kung ano ang dapat gawin upang magkaroon ng inclusive growth sa halip na exclusive growth sa bansa.
Tinukoy ni Bishop Cabantan ang mga katutubo sa Bukidnon maging ang mga maliliit na mangingisda ay wala pang seguridad sa kanilang mga ikinabubuhay.
Sinabi ng Obispo na nasa lansangan pa rin ang mga street children at marami pa rin ang walang trabaho na isang patunay ay patuloy na pagdami ng mga Overseas Filipino Workers.
Kumbinsido ang Obispo sa resulta ng survey dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nararamdaman ang pag-angat sa buhay ng mga Filipino.
“What are the measures for inclusive growth which needs to be done? What needs to be done for poverty alleviation? What are the root causes of all these which need to be addressed? for instance our IP’s here in the remote areas, small farmers who still lack security, proliferation of street children despite that we have built shelter houses already, labor sector which still needs to be helped, when can we stop sending migrant workers abroad so they can take care of their families here? These are just some of the questions that we raised before and still longs for an answer.”pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas
Iginiit naman ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na nagkukulang at hindi natutukan ng pamahalaan ang pagbibigay ng basic services sa mamamayan partikular sa mga malalayong probinsiya.
Inihayag ni Bishop Ongtioco na kulang ang assistance at programa ng pamahalaan para sa gamot, edukasyon at financial assistance upang mabago ang buhay ng mamamayan.
“Mahirap talaga dahil kulang ang government sa basic services like medicine, education, financial assistance to improve human living conditions. Ito ang mga concerns ng government”.dagdag ng Obispo
Lumabas sa survey ng S-W-S na lima sa kada sampung Filipino ay nagsasabing sila ay nanatiling mahirap o 50-porsiyento ng mga Filipino na may kabuuang 11.5-milyong pamilya.
Lumitaw din sa survey na tumaas pa ng 44-porsiyento ang bilang ng mga mahihirap mula 2014 hanggang fourth quarter ng taong 2016.