167 total views
Umaapela ang Obispo ng Basilan na dagdagan ng Comission on Elections o COMELEC ang seguridad sa Isabela City at bayan ng Maluso sa lalawigan ng Basilan bago at sa araw ng halalan sa ika-9 ng Mayo 2016.
Ayon kay Prelatura de Isabela Basilan Bishop Martin Jumoad, nararamdaman na niya ang tensiyon sa mga kandidato at mga supporters nito na walang gustong tumanggap ng pagkatalo.
Iginiit ng Obispo ang implementasyon ng “total gun ban” sa buong lalawigan para sa seguridad at kaligtasan ng mga residente.
“It has already implemented, kailangan may gun ban talaga. Hotly contested talaga itong dito sa Isabela at Maluso parang I can feel that there will be problem coming out during election because this places are hotly contested. Sinabihan ko na ang COMELEC pero parang wala naman sa kanila,” pahayag ni Bishop Jumoad
Mula sa datos ng Philippine National Police, 17.5-percent ng mga siyudad at munisipalidad sa buong bansa ay idineklarang election hotspot na mahigpit na binabantayan.