196 total views
Tahimik ang sitwasyon ngayon sa Basilan sa usapin ng peace and order.
Ayon kay outgoing Prelature of Isabela de Basilan Bishop Martin Jumoad, ito’y dahil sa maigting na kampanya ng militar laban sa mga teroristang grupong Abu Sayyaf.
Pahayag ni Jumoad na bagong archbishop elect ng archdiocese ng Ozamiz, kumikilos na ang administrasyong Duterte sa Mindanao sa usapin ng kapayapaan kayat unti-unti ng humuhupa ang sitwasyon doon.
“Relatively peaceful kami ngayon kasi seryosong-seryoso ang military ngayon very serious in running after the Abu Sayyaf. In fact, from July to August 25 bakbakan talaga sa Albarka, then Sept. 15 bakbakan ulit, nag-tranfser ang mga rebelde sa sumisip, now ngayon ok na ok ngayon ang Basilan marami ring nakuha ang mga militar sa mga sites ng Abu Sayyaf. When you are serious and give support to the military when you really plan what to do for them, then the military will do their best, saludong saludo ako sa presidente ngayon sa sitwasyon naming sa Basilan, tahimik,” pahayag ni archbishop elect Jumoad.
Samantala, nakatakda ang instalasyon ni archbishop-elect Jumoad sa November 30, 2016 bilang bagong arsobispo ng archdiocese ng Ozamiz.
http://www.veritas846.ph/bishop-jumoad-humingi-ng-panalangin-sa-kanyang-bagong-misyon/
Una siyang itinalaga ni Pope Francis nitong huling linggo ng Setyembre at kanyang papalitan ang 77 taong gulang na si archbishop Jesus Dosado.
Si Jumoad ang ika-4 na arsobispo ng Ozamiz na sumasakop sa suffragan dioceses ng Dipolog, Iligan, Pagadian at Marawi.
Si archbishop-elect Jumoad ay 14 na taong naging obispo ng Prelatura ng Isabela de Basilan.