369 total views
Itinampok sa unang Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage na handog ng CBCP – Episcopal Commission on Mission ngayong panahon ng pandemya ang Basilica Minore del Sto. Niño De Cebu.
Nakapaloob sa Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage ang kasaysayan ng Simbahan at ang mayamang debosyon ng mga mananamapalataya sa Sto. Niño na pinakamatandang debosyon sa Pilipinas.
Itinampok rin sa online pilgrimage ang iba’t ibang mga pastoral activities at programa na tinututukan ng Simbahan upang higit pang maipalaganap ang pananampalatayang Kristiyano sa bawat mamamayan.
Tiniyak naman ni Basilica Minore del Sto. Niño De Cebu Rector and Prior Rev. Fr. Pacifico Nohara, OSA ang patuloy na pagpapalaganap ng debosyon sa Sto. Niño na nagsimula 500-taon na ang nakakalipas.
Ayon sa Pari, ang Sto. Niño na imahen ng batang si Hesus ang pinakamatandang religious icon sa bansa at naging daluyan ng pananampalatayang Kristiyano para sa mga Filipino.
Ipinaliwanag ni Fr. Nohara na mahalagang patuloy na maipalaganap ang mayamang debosyong ito lalo na sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon na silang magpapatuloy ng pagpapalalim ng pananampalatayang Kristiyano sa hinaharap.
“We are very grateful of this gift of Holy Child through the image of Senior Sto. Niño especially that we are celebrating this year the 500 years of its arrival. We know that this image is the oldest religious icon in our country and we are very thankful to that because we have this faith now, started from our forefathers and we continue in our generation now and that’s our task to propagate this devotion especially to the young generation. We are very thankful of the Sto. Niño because he’s always with us and continuously guiding our ways.” pahayag ni Rev. Fr. Nohara .
Unang inihayag ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona na siya ring chairman ng kumisyon na ang nasabing online pilgrimage ay bahagi na rin ng patuloy na paggunita sa ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas.
Nagsimula ang Visita Iglesia, A Virtual Pilgrimage noong ika-8 ng Mayo na masusubaybayan tuwing unang Sabado ng buwan ganap na alas-dyes ng umaga sa pamamagitan ng official Facebook page ng CBCP-Episcopal Commission on Mission at ng TV Maria.
Inaasahan naman tampok sa susunod na serye ng online pilgrimage sa buwan ng Hunyo ang Diocesan Shrine and Parish of St. Anthony of Padua.