Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Batang Pilipino sa Digital Age

SHARE THE TRUTH

 76,553 total views

Kapanalig, ang mga bata ngayon pinanganak na halos kakambal na ang kanilang mga cellphone o tablets. Maraming mga bata ngayon, kahit mga toddlers pa lamang, ay atin ng nakikita na nagsa-swipe dito sa swipe doon gamit ang mga cellphone. Kung dati sinasabi na ang TV ang babysitters ng mga bata, ngayon, mga smartphones na.

Ang digital age ay may dala-dalang biyaya at kapahamakan sa ating mga kabataan. Dahil sa mga teknolohiya ng digital age, mas marami ng learning tools at materials ang mga bata ngayon. Pero tama ba na humawak agad sila ng gadgets kahit mga baby at toddlers pa lamang sila?

Alam mo ba kapanalig, ayon sa isang survey sa mga batang may edad 4 hanggang 16 sa ating bansa, 84% ang mas pinipili ang smartphone kaysa TV ngayon. Sa internet na rin nila nalalamang ang mga impormasyong interisante sa kanila, gaya ng mga laruan, pati mga bagong shows o programa. Nagpapatunay ito na sila ay mga digital natives na.

Dahil sa digital age, marami ng sources of information ang mga kabataan, at napakadali na nila itong makuha. At the tip of your fingers, ika nga. Ang laking biyaya nito, kapanalig, lalo na sa ating bansa kung saan kulang mga libro at pasilidad sa maraming paaralan sa ating bayan. Mas marami na sa ating mga kabataan ang nagkaroon ng access to information and knowledge.

Kaya lamang kapanalig, sa kabila ng biyaya na ito, may mga kapahamakan din na dala ang internet. Kadalasan, unfiltered information ang nakukuha ng mga kabataan dito. Maraming mga impormasyon at graphic images ang maaari nilang makuha na hindi angkop sa kanilang murang edad at isip. Kaya’t huwag sana natin kaligtaan na may kaakibat na responsibilidad ang pagtuturo at pagpalaki ng kabataang Pilipino sa digital age. Mahalaga ang tamang gabay upang maging mapanuri at responsable ang mga bata sa sa kanilang pag-gamit ng teknolohiya.

Huwag rin sana natin ipagamit ang mga smartphones sa mga toddlers at preschoolers. Sa edad na ito nahuhulma ang kanilang pag-iisip pati ang kanilang pananalita. Kung cellphone lagi ang kanilang kasama at kausap, ating binabansot ang development ng mga bata. Ayon sa isang pag-aaral, mga 90% ng mga batang may speech delay ay gumagamit ng electronic devices. May isang pag-aaral din na nagsasabi na ang paggamit ng smartphones sa murang edad ay hadlang sa socio-emotional development ng bata.

Kapanalig, digital natives man ang mga bata ngayon, pero hindi natin dapat sila pababayaan na nakatutok lamang sa mga gadgets nila, lalo na’t nasa murang edad pa lamang. Kailangan turuan natin sila ng wastong paggamit ng teknolohiya para sa kanilang kagalingan at proteksyon. Kung ating magagawa ito, magagabayan natin sila upang higit nilang maunawaan ang pag-gamit ng iba’t ibang digital platforms na magpapatalas ng kanilang kakayahan at kaalaman, at mailayo sila sa mga unsafe online spaces. Huwag natin ipalit ang cellphone sa human contact. Huwag nating gawing substitute parents ang mga smartphones. Panawagan ni Pope Francis sa ating lahat: “Our eyes are meant to look into the eyes of others. They were not made to look down at a virtual world that we hold in our hands.”

Sumainyo ang Katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 64,875 total views

 64,875 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 72,650 total views

 72,650 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 80,830 total views

 80,830 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 96,543 total views

 96,543 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 100,486 total views

 100,486 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 64,876 total views

 64,876 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 72,651 total views

 72,651 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 80,831 total views

 80,831 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 96,544 total views

 96,544 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 100,487 total views

 100,487 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 58,972 total views

 58,972 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 73,143 total views

 73,143 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 76,932 total views

 76,932 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 83,821 total views

 83,821 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 88,237 total views

 88,237 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 98,236 total views

 98,236 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 105,173 total views

 105,173 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 114,413 total views

 114,413 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 147,861 total views

 147,861 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 98,732 total views

 98,732 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top