473 total views
Kapanalig, kilala mo ba ang mga batayang sector sa ating bansa? Ayon sa Republic Act 8425, may labing apat na batayang sector sa ating bayan. Isa-isahin natin sila.
Ang mga mangingisda ay isa. Sila ay yaong may kaugnayan sa pagkuha, pag-kultura, at pagproseso ng ating fishery or aquatic resources. Kadalasan, mga small-time workers lamang sila, wala masyadong kagamitan, o mga naglalako, o laborer ng mga malalaking fishing companies. Ang mga magsasaka at mga landless rural workers natin ay isa rin sa mga sektor. Sila naman ay yaong may kaugnayan sa pagsasaka. Maliit lamang ang kita nila, maaring may maliit na sakahan o worker lamang sa sakahan ng iba.
Ang mga bata, isa rin sa ating sector. Sila ay mga mamamayang may edad 18 pababa. May hiwalay na sector rin ang Youth and Students. Ang youth dito ay may edad 15 hanggang 30 years, habang ang mga estudyante ay mga naka-enroll at nag-aaral. Ang women o kababaihan ay may hiwalay na sector rin, gaya ng may kapansanan o PWDs, senior citizens, urban poor, at biktima ng mga disasters at kalamidad. Pati kooperatiba, at non-government organizations ay mga batayang sector din ng bayan. Ang mga employed o formal labor at migrant workers o yaong mga nasa pormal na ekonomiya ay kasama rin sa labing-apat na sector ng bansa, pati na rin ang mga informal sector workers.
Kapanalig, ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority o PSA ay nagbigay ng maliwanag na larawan ukol sa kahirapan ng bansa sa pamamagitan ng pagsukat kahiraparan ng siyam sa sector. Ayon sa pagkakasunod-sunod, ang syam na pinakamahirap na sector ay: farmers, fishers, bata, informal workers, women, youth, migrant at formal sector workers, senior citizens, at urban poor. Nasa 34.3%, 34% at 31.4% ang poverty incidence sa sector ng farmers, fishermen, at children. Sila ang laging top three.
Makikita kapanalig, ayon sa datos na ito, kung saan natin dapat ibuhos ang ating atensyon. Hinidi makakaila, kapanalig, kung sino sa ating lipunan ang dapat nating tulungan. Nakakapagtaka na ang ating pamahalaan ay nakatutok lamang sa krimen habang maraming Pilipinong nagdadarahop. Ang mga pinakamahirap na sektor na ito sa ating bayan ang kailangan ng kongkretong aksyon.
Ang ating mga magsasaka ay kailangan ng modernisasyon at lupa, ang ating fishery sector ay nangangailangan ng long-term assistance lala na’t kung sustainability ang pag-uusapan; ang mga bata, mas lalong kawawa. Ang daming wala sa paaralan, at may mga ilan naging collateral damage na lamang.
Gising, kapanalig. Nais nating lahat ang kaunlaran ng bayan. Itigil na natin ang kultura ng kamatayan at pagmumurahan. Ikalat naman natin biyaya at kabutihan para sa lahat. Maging inspirasyon sana natin ang mga kataga mula sa Justicia in Mundo mula sa Panlipunang Turo ng Ating Simbahan: Ang ating bokasyon bilang bahagi ng Simbahan ay ipahayag ang mabuting balita, kalayaan sa mga inaapi, at ligaya para sa mga nagdadalamhati.