532 total views
Ang bawat binyagan ay tinatawagan na magsilbing tunay na misyunero ng Mabuting Balita ng Panginoon.
Ito ang ibinahagi ni Cardinal Luis Antonio Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples sa pinangunahang banal na misa sa Pontificio Collegio Filippino sa Roma sa paggunita ng World Mission Sunday.
Ayon sa Cardinal, ang pagiging misyunero ng Panginoon ay hindi lamang tumutukoy sa mga pari, madre at iba pang mga lingkod ng Simbahan sa halip ay para sa lahat ng mga binyagan.
Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na ang pagiging misyunero ng bawat binyagan na nasasaad sa bibliya ay binigyang diin sa Vatican II.
“When we hear the word missionary we often think only of priests, sisters or some dedicated lay people who especially outside of their home countries, yung mga ipinapadala sa ibang lugar para magmisyon. Totoo po naman yun, but this day is also a reminder to all of us of the biblical and also especially affirmed by Vatican II that ‘the whole Church, all baptized people by being baptized is a missionary’.”pagninilay ni Cardinal Tagle.
Ibinahagi ni Cardinal na ang paggunita ng World Mission Sunday ay isang paalala sa bawat isa na kaakibat ng pagiging binyagan ang pagiging isang misyunero ng Panginoon.
Tinukoy ni Cardinal Tagle ang pambihirang papel ng mga Overseas Filipino Workers sa pagiging tunay na misyunero ng Mabuting Balita ng Panginoon sa pagsasabuhay ng mga turo ng Simbahan.
Tema ng World Mission Sunday ngayong taon ang “You shall be my witnesses” na sinasabi ng Santo Papa Francisco na paalala sa bawat isa ng ugnayan kay Hesus bilang isang misyonero.
Iginiit ni Cardinal Tagle na ang pagiging misyunero ay hindi lamang sa salita sa halip ay pagpapatotoo sa mga turo ng Panginoon at pagsasabuhay nito.
“Pope Francis choose the theme the words of Jesus to his disciples “You shall be my witnesses”, our world today need these form of mission as witnessing. Pagpapatotoo kay Hesus through words,through also our actions, our relationships, the quality of our person that everything that we do, that we are, that we say be a testimony to the truth of Jesus. Sometimes we proclaim the good news but our attitudes in our lives, deny immediately the word that we just said.”pahayag ni Cardinal Tagle