233 total views
Ito ayon kay Msgr. Hernando Coronel, rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene, St. John the Baptist Parish na kilala rin bilang Quiapo Church.
“Bawat isa sa inyo ay may malaking pagtulong at bahagi tayo ng malaking Kwento ng pag-ibig ng Poong Hesus Nazareno,” ayon kay Msgr. Coronel.
Ayon kay Msgr. Coronel, bunsod na rin ng pagtutulungan ng bawat isa sa paghahanda sa taunang kapistahan na ginaganap tuwing ika-9 ng Enero.
“Ang inyong kooperasyon, ang inyong presensya, ang pakikilahok ay talagang kayamanan para sa amin. Sa puso ko po, kayo ay tunay na mga kapatid sapagkat ang aming misyon ay ipalaganap ang kabutihan at kabaitan ng Panginoong Hesukristo,” ayon kay Msgr. Coronel.
Sa pamamagitan ng pag-uugnayan at pagtutulungan ay naipapalaganap din ang kabutihang biyaya ng Diyos sa bawat isa.
Tiniyak din ng pamahalaang lungsod ng Maynila na magiging maayos at malinis ang 6.1 kilometrong kalsadang daraanan ng Traslacion mula Luneta hanggang Quiapo church maging ang pagsasaayos ng mga kawad ng kuryente.
Nag-iikot na rin ang Department of Health para magbigay ng anti-rabies vaccine sa mga aso malapit sa mga kalsada para sa kaligtasan ng bawat makikiisa sa prusisyon.
Tema ngayong taon ang Translacion ng Poong Hesus Nazareno ang ‘Hinirang at Pinili upang maging lingkod.’
Seguridad ng mga deboto
Paiiralin ng Philippine National Police (PNP) ang ‘no fly, no sail at no signal zone’ sa paligid ng Quirino Grandstand at Quiapo Church sa isasagawang pagdiriwang ng kapistahan ng Poong Hesus Nazareno.
Ito ang inihayag ni NCRPO chief Police Director General Guillermo Eleazar, bagama’t tiniyak na walang banta sa seguridad na namomonitor ang pulisya sa taunang ‘international pilgrimage’ ng Poong Hesus Nazareno.
“So umasa po ang ating mga kababayan on the security coverage. We have requested for the area to be no fly zone, no sail zone as well as no telecom signal zone. Even though wala naman tayong sinasabing direct threat or confirmed report on the security during this coverage. But just the same we are coordinating with appropriate agencies in order for us to monitor lahat po ng nangyayari. To be able to have this celebration or the Feast of the Black Nazarene successful and peaceful one,” ayon kay Eleazar.
Unang nagpasalamat si Msgr. Coronel, rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene o St. John the Baptist Parish sa lahat ng mga nakibahagi sa anim na buwang paghahanda ng taunang kapistahan.
Sa nakalipas na taon, tinatayang may 20 milyon ang bilang ng mga deboto ang dumalo sa ‘Traslacion’ kung saan higit sa 20 oras ang itinagal ng prusisyon mula sa Quirino Grandstand hanggang sa pagpasok ng Poon sa loob ng Quiapo church.
May higit naman sa 7,000 mga pulis ang itatalga ng PNP sa paligid ng Quirino grandstand at Quiapo Church upang matiyak ang katiwasayan ng pagdiriwang.