284 total views
Matatag ang Basic Ecclesial Community (BEC) sa Diocese of Kidapawan.
Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, inaani na nila ang ginawang paghihirap noon ng mga naunang Obispo na ipunin ang mga mananampalataya sa kanilang nasasakupan upang mailapit sa Panginoon.
“Nakapaganda ng manifestation, expression ng pananampalataya ng mga taga-Diocese of Kidapawan. Nagpapasalamat ako, yung mga nagsimula ng Diocese ng Kidapawan na pinangunahan nina Bishops Escaler, Capalla, Dela Cruz , Pueblos, Valles, Cardinal Quevedo ngayon ay through the years talagang nagig matatag ang pananampalataya dahil binigyan nila ng diin yung basic ecclesial communities (BEC),” ayon kay Bishop Bagaforo.
Ang ‘Gagmay Kristohanong Katilingban’ (GKK) o Munting Sambayanang Kristiyano ang naging daan sa pagtatag ng pananampalataya sa bahagi ng Mindanao.
“Now we are somehow harvesting the fruits of the efforts ng mga naunang pari, Obispo sa Kidapawan,” ayon pa sa Obispo sa panayam ng programang Barangay Simbayanan.
Sinabi pa ng Obispo hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling mayorya ng populasyon ng Mindanao ay mga Katoliko, habang naka-concentrate aniya ang mga Muslim sa Southern Mindanao.
Base sa 2015 survey ng Philippine Statistics Authority, aabot na 30 milyong katao mula sa 25 lalawigan at 27 lungsod sa Mindanao na binubuo ng may 20 arkidiyosesis at diyosesis.
Nilinaw naman ng Obispo na sa kabila nito ay payapang nabubuhay na magkama ang Muslim at Kristiyano sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ayon kay pa kay Bishop Bagaforo: “Totoo na talaga na the impression ng karamihan ay buong Mindanao. Pag sinabing may giyera sa Mindanao. Pero ang totoo sa Marawi lang hindi naman buong Mindanao. Generally hindi naman naaapektuhan ng kaguluhan sa Marawi”.
Hindi rin kumbinsido ang Obispo na ‘religious war’ ang nagaganap sa Southern part ng Mindanao kundi isang terorismo.
Una na ring inihayag ni Pope Francis na ang Muslim at Kristiyano ay magkakapatid na dapat na magtulungan para bumuo ng payapang lipunan sa kabilan ng magkaibang paniniwala, kultura at pananampalayata.