965 total views
March 23, 2020, 6:05PM
Labis ang pasasalamat ng Caritas Manila sa isang (1) milyong pisong tulong na ipinagkaloob ng actress na si Bella Padilla para sa mga urban poor families na lubhang apektado ng enchanced community quarantine.
“We would like to express a heartfelt gratitude to Ms. Bela Padilla for helping our brothers and sisters who are most in need at this time of crisis. Your donation is a big help for Caritas Manila to be able to help them sustain during this enhanced community quarantine. May our God continually bless your good heart and grant all your heart’s desires. Thank you!”. Pasasalamat ni Geran Navarro, Financial Stewardship Program Head ng Caritas Manila
Inihayag ni Navarro sa panayam ng Damay Kapanalig na mismong si Ms. Padilla ang nagdeliver ng goods sa tanggapan ng Caritas Manila.
Ang mga goods mula kay Ms. Padilla ay kinabibilangan ng:
• 30 sacks Willy Farm Premium Dinorado
• 25kgs plain;
• 480 DM Brown Rice Puffs (BBQ) 60g 24/case;
• 240 DM Brown Rice Puffs (Cheese) 60g 24/case
• 106 boxes of Ligo sardines
• 70 boxes of Ligo sardines
Sinabi ni Navarro na ang mabuting kalooban ng premyadong actress ay isang panawagan ng pagkakaisa upang labanan ang krisis na dulot ng COVID-19 sa buong bansa.
“Ito ay importante para sa Caritas Manila at sa simbahan dahil naipapaabot natin sa lahat na tayo ay tunay na katuwang ng mga nangangailangan sa panahon ng krisis katulad ng COVID 19 pandemic. Ang kinakaharap nating krisis ay hindi lamang sa ating bansa kundi pandaigdigan. Through personalities like Ms. Bela Padilla naipapaabot natin sa lahat na kailangan natin ng pagkakaisa at suporta. This is a call for solidarity to fight and conquer COVID 19.” Panayam ng Radio Veritas kay Navarro.
Patuloy ding nanawagan ang Caritas Manila sa pamumuno ni Father Anton CT Pascual sa lahat ng suporta at tulong para sa pangangailangan ng mga mahihirap na walang mapagkukunan ng makain dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng enchanced community quarantine upang mapigilan ang paglaganap pa ng virus.
“Ang Caritas Manila ay patuloy po na humihingi ng suporta at tulong from everyone. Kami ay bukas sa lahat ng gustong magpaabot ng kanilang tulong para sa ating mga kababayan na mas apektado sa krisis na ito. Maari kayong magpadala na inyong donasyon sa mga sumusunod na Bank Accounts.”panawagan ni Navarro sa pamamagitan ng Radio Veritas