44,969 total views
Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology.
Maski si Pope Francis ay kinikilala ang prevalence ng digital technology ngayon. Ayon sa Christus Vivit, ang kanyang post-synodal exhortation para sa mga Kabataan at sa lahat ng nanalig sa Diyos: “It is no longer merely a question of ‘using’ instruments of communication, but of living in a highly digitalized culture that has had a profound impact on ideas of time and space, on our self-understanding, our understanding of others and the world, and our ability to communicate, learn, be informed and enter into relationship with others.”
Dahil sa digital technology, may access na ang maraming mga tao at siyentipiko sa big data – sa napakaraming impormasyon na maaaring makatulong sa pagpapabuti pa ng buhay ng Pilipino. Dahil sa big data, ang mga serbisyo sa merkado ngayon ay na-te-tailor sa tunay na pangangailangan ng tao. Sa halip na one-size-fits-all, mas marami ng variety ang mga produkto dahil naka-capture ng digital technology ang mga preferences o kagustuhan ng mga tao.
Dahil din sa technology, maraming mga negosyo din ang nagbo-boom o lumalago. Ito ay dahil mas madali na ang promotion. Dahil sa big data na available sa ating panahon, nacu-customize at natatarget na nila ang kanilang mga customers. Hindi na nila kailangang gumastos pa ng malaki para sa advertising gaya ng dati.
Ang digital technology ay malaki rin ang tulong sa larangan ng medisina. Mas naabot na ngayon ang mas maraming mga tao at dahil dito, mas madali ng makakalap ng impormasyon para mga mahahalagang aspeto ng health care gaya ng pagbabakuna. Ang pagbibigay ng impormasyon tungkol dito, pati na iba pang health at life saving information, ay mas madali ng gawin, mas marami na ang naabot na tao, sa mas mabilis na panahon.
Ang digital technology ay nagdulot din ng maraming mga bagong trabaho para sa maraming tao. Dati rati kailangan pa natin isa isang puntahan ang mga kumpanyang nais nating applyan – sa gitna ng init at traffic. Ngayon, maaari na tayong mag-apply gamit lamang ang computer o cellphone. Madami na ring position ang nabuksan dahil sa digital technology, gaya ng mga social media manager, transcriptionist, app builders, digital marketers, at iba. Ayon nga sa isang survey noong 2019, pangatlo ang Pilipinas sa Asya sa digital job participation.
Maganda sana kapanalig, na ma-harness natin at ma-maximize ang benepisyo ng digital technology para mas maraming tao ang makinabang. Sa indibidwal na lebel, gayahin sana natin sa Carlo Acutis, isang Blessed person na nabangggit ni Pope Francis sa Christus Vivit: Ginamit niya ang digital technology sa pagbabahagi ng mabuting balita, pagbabahagi ng values, kagandahan, at mga himala sa ating mundo.
Sumainyo ang Katotohanan.