Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Big Brother-Small Brother strategy ng DENR, kinundena ng Obispo ng Bataan

SHARE THE TRUTH

 2,270 total views

Muling binigyang-diin ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang pagtutol sa sektor ng pagmimina sa bansa.

Ayon kay Bishop Santos, ang pagmimina bagama’t nakikitang makakatulong para sa ekonomiya ng bansa ay kaakibat ang matinding pinsala sa kalikasan at panganib sa buhay ng mamamayan.

Ibinahagi ng Obispo ang kanyang 2015 Pastoral statement laban sa pagmimina sa Bataan kung saan nakasaad na “Ang pagmimina sa Bataan ay maghahatid ng kapinsalaan sa ating mabuting kalikasan.Ang pagmimina sa Bataan ay magbubunga ng kasamaan sa ating kapaligiran”.

Nagagalak si Bishop Santos dahil magmula nang ilabas ang pahayag ng diyosesis laban sa pagmimina ay walang natutuloy na anumang mapaminsalang proyekto sa lalawigan.

Iginiit ng Obispo na ang Bataan, sa tulong ng pagpapala ng Diyos ay patuloy na masagana sa likas na yaman at madarama ang kapayapaan sa kapaligiran.

Hiling naman ni Bishop Santos na katulad ng lalawigan ng Bataan, nawa’y mapigilan at matugunan din sa buong bansa ang pagpapahintulot sa pagmimina upang hindi na magdulot ng karagdagang pinsala sa kalikasan.

“Balikan po natin ang mga lugar sa loob at sa labas ng ating bansa na mayroong pagmimina. Naibalik po ba ang dating ganda at buti ng lugar na hinukay sa pagminina? Nagkaroon po ba ng kasaganaan at kaayusan sa mga lugar na naging minahan? Wala po. Hindi po nangyari at kabaglitaran pa po ang nagaganap,” saad ni Bishop Santos.

Ang pahayag ni Bishop Santos ay kaugnay sa “Big Brother-Small Brother strategy” ng Department of Environment and Natural Resources na nakapaloob sa social development at management programs (SDMP) ng mga malalaking kumpanya ng pagmimina.

Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala ang Alyansa Tigil Mina tungkol dito sapagkat higit itong magpapahirap at maisasantabi ang kapakanan ng mga pamayanang apektado ng pagmimina.

Sa kasalukuyan, nasa 44 ang bilang ng mining company sa bansa kung saan 37 rito ang nagsasagawa ng operasyon.

Kinondena ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Laudato Si’ ang hindi makatarungang gawain ng mga malalaking kumpanyang nagsasagawa ng pagmimina sa iba’t ibang bahagi ng mundo, na matapos ang operasyon ay iiwan ang mabigat na pasanin sa mga tao at kalikasan tulad ng kawalan ng hanapbuhay, pagkasira ng mga likas na yaman, at panganib sa kalusugan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Popular Beyond Reproach

 55,704 total views

 55,704 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »

Impeachment Trial

 65,703 total views

 65,703 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »

Labanan ang structures of sin

 72,715 total views

 72,715 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 82,402 total views

 82,402 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 115,850 total views

 115,850 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Bishop Bagaforo, nahirang sa FABC

 12,107 total views

 12,107 total views Hinirang ng Federation of Asian Bishops’ Conference (FABC) si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo bilang Bishop Member ng FABC Office of Human Development

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagkaaresto kay Digong, tagumpay ng katarungan

 14,141 total views

 14,141 total views Itinuturing ng Alyansa Tigil Mina (ATM) bilang tagumpay ng katarungan ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top